Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Sina Alma at Amulek sa Bilangguan


“Sina Alma at Amulek sa Bilangguan,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

Alma 14

Sina Alma at Amulek sa Bilangguan

Pananampalataya sa Panginoon sa mahihirap na panahon

Larawan
Sina Alma at Amulek na may kasamang mga bantay

Itinuro nina Alma at Amulek ang ebanghelyo sa lungsod ng Ammonihas. May mga taong naniwala sa Panginoon at nagsisi. Ngunit marami pang ibang tao ang nagalit kina Alma at Amulek at nagnais na paslangin sila. Iginapos ng mga galit na tao sina Alma at Amulek at dinala ang dalawang lalaki sa punong hukom ng lungsod.

Alma 8:29–30; 14:1–4

Larawan
Sina Alma at Amulek na nakatali ang mga kamay

Hindi naniwala ang punong hukom na kailangang magsisi ang kanyang mga tao. Nagalit ang mga tao kina Alma at Amulek. Pinalayas nila sa lungsod ang mga kalalakihang naniwala sa itinuro nina Alma at Amulek. Pagkatapos ay itinapon nila sa apoy ang mga kababaihan at bata na naniwala sa Panginoon.

Alma 14:3, 5–9, 14, 16

Larawan
Mukhang napakalungkot nina Amulek at Alma

Napakalungkot ni Amulek nang makita niyang nasasaktan ang mga tao. Hiniling niya kay Alma na gamitin ang kapangyarihan ng Diyos upang iligtas sila. Subalit sinabi ni Alma na hindi siya hahayaan ng Espiritu ng Diyos na gawin iyon. Sinabi niya kay Amulek na ang mga kababaihan at bata ay makakasama ng Panginoon. Hahatulan ng Panginoon ang mga taong pumaslang sa kanila.

Alma 14:9–11

Larawan
tumatawa ang punong hukom

Pinagtawanan ng punong hukom sina Alma at Amulek dahil hindi pinrotektahan ng Panginoon ang mga kababaihan at bata. Ipinadala niya sina Alma at Amulek sa bilangguan.

Alma 14:14–17

Larawan
Sina Alma at Amulek sa bilangguan

Makalipas ang tatlong araw, nagpunta ang punong hukom sa bilangguan kasama ang kanyang mga huwad na saserdote. Marami silang itinanong. Ngunit hindi sila sinagot nina Alma at Amulek.

Alma 14:18–19

Larawan
pinagtatawanan ng punong hukom sina Alma at Amulek sa bilangguan

Gumawa ng masasamang bagay ang punong hukom at ang kanyang mga saserdote kina Alma at Amulek. Hindi rin nila binigyan sina Alma at Amulek ng anumang pagkain o tubig. At pinagtawanan nila ang itinuro nina Alma at Amulek.

Alma 14:19–22

Larawan
Iginapos sina Amulek at Alma at nakatayo sa malapit ang punong hukom

Nagdusa sina Alma at Amulek sa loob ng maraming araw. Muling dumating ang punong hukom kasama ang kanyang mga saserdote. Sinabi niya kina Alma at Amulek na kung taglay nila ang kapangyarihan ng Diyos, dapat maputol nila ang mga lubid na nakagapos sa kanila. Pagkatapos ay maniniwala siya sa kanila.

Alma 14:23–24

Larawan
Tumayo sina Amulek at Alma

Nadama nina Alma at Amulek ang kapangyarihan ng Diyos. Tumayo sila. Si Alma ay may pananampalataya sa Panginoon at humingi ng kapangyarihan na maputol ang mga lubid.

Alma 14:25–26

Larawan
mga lubid na napuputol

Naputol nina Alma at Amulek ang mga lubid. Natakot ang punong hukom at ang kanyang mga saserdote. Sinubukan nilang tumakas, ngunit biglang yumanig ang lupa.

Alma 14:26–27

Larawan
Sina Amulek at Alma sa ibabaw ng nawasak na bilangguan

Ang mga pader ng bilangguan ay bumagsak sa punong hukom at sa kanyang mga saserdote, at namatay sila. Ngunit pinanatiling ligtas ng Panginoon sina Alma at Amulek. Nang marinig ng mga tao ang ingay, tumakbo sila upang makita kung ano ang nangyayari. Tanging sina Alma at Amulek lamang ang lumabas mula sa bilangguan. Labis na natakot ang mga tao kina Alma at Amulek kung kaya’t nagsitakbuhan sila.

Alma 14:27–29