Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Si Alma at ang Kanyang mga Tao


“Si Alma at ang Kanyang mga Tao,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

Mosias 23–25

Si Alma at ang Kanyang mga Tao

Lakas mula sa Diyos sa mahihirap na panahon

Larawan
Tumingin si Alma at ang iba pang mga tao sa kanilang mga tahanan

Nakatira si Alma at ang kanyang mga tao sa isang magandang lupain. Sila ay nagtanim ng mga binhi at nagtayo ng mga tahanan. Si Alma ay isang saserdote ng Diyos. Tinuruan niya ang kanyang mga tao na mahalin ang isa’t isa. Ang mga tao ay nakinig kay Alma at sumunod sa mga kautusan ng Diyos. Lumaki ang kanilang mga pamilya, at nagtayo sila ng isang lungsod.

Mosias 23:4–5, 15–20

Larawan
Nakipag-usap si Alma sa mga Lamanita

Isang araw, dumating ang isang hukbo ng mga Lamanita. Naligaw sila. Nangako ang mga Lamanita na hahayaan nilang mag-isa ang mga tao ni Alma kung tutulungan sila ni Alma na mahanap ang daan pauwi. Ipinakita ni Alma sa mga Lamanita kung paano makababalik ang mga ito sa kanilang lupain.

Mosias 23:25, 30, 36–37

Larawan
Pinanood ni Amulon at ng kanyang mga bantay si Alma at ang mga tao nito

Hindi tinupad ng mga Lamanita ang kanilang pangako. Sa halip, sinakop nila ang lupain at naglagay sila ng mga bantay upang manmanan ang mga tao ni Alma. Ginawa rin nilang hari sa mga tao ni Alma ang isang Nephita na nagngangalang Amulon. Si Amulon ay pinuno ng mga huwad na saserdote. Siya at ang kanyang mga saserdote ay pumatay ng isang propeta ng Diyos at gumawa ng maraming iba pang masasamang bagay.

Mosias 17:12–13; 23:31–32, 37–39; 24:9

Larawan
Nagalit si Amulon

Nagalit si Amulon kay Alma. Pinagtrabaho niya nang matindi ang mga tao ni Alma at naging malupit siya sa kanila. Mahirap ito para sa mga tao ni Alma.

Mosias 24:8–9

Larawan
Nanalangin si Alma, at galit si Amulon sa likuran

Nanalangin sila na tulungan sila ng Diyos. Inutusan sila ni Amulon na tumigil sa pananalangin. Sinabi niya na ang sinumang mananalangin ay papatayin.

Mosias 24:10–11

Larawan
Tinulungan ni Alma at ng isang babae na makatayo ang isang matandang lalaki

Tumigil si Alma at ang kanyang mga tao sa pananalangin nang malakas. Sa halip, nanalangin sila sa kanilang mga puso. Dininig ng Diyos ang kanilang mga panalangin. Pinanatag Niya sila at nangako Siyang tutulungan silang makatakas. Pinagaan ng Diyos ang kanilang mahirap na gawain. Ang mga tao ay matiyaga at masaya habang nakikinig sila sa Diyos. Alam nila na tinutulungan Niya sila.

Mosias 24:12–15

Larawan
Pinamunuan ni Alma ang kanyang mga tao sa pagtakas sa gabi

Ang mga tao ni Alma ay nagtiwala sa Diyos at nagkaroon ng malaking pananampalataya sa Kanya. Isang araw, sinabi sa kanila ng Diyos na oras na upang umalis. Nang gabing iyon, naghanda na si Alma at ang kanyang mga tao. Tinipon nila ang lahat ng kanilang hayop at pagkain. Kinaumagahan, pinatulog nang malalim ng Diyos ang mga Lamanita. Pagkatapos ay nakatakas si Alma at ang kanyang mga tao at naglakbay sila nang buong maghapon.

Mosias 24:16–20

Larawan
Tumingin si Alma at ang kanyang mga tao sa Zarahemla

Nang gabing iyon, ang lahat ng kalalakihan, kababaihan, at bata ay nagpasalamat sa Diyos. Alam nila na tanging ang Diyos lamang ang maaaring tumulong sa kanila. Sila ay patuloy na naglakbay sa loob ng maraming araw at dumating sa lupain ng Zarahemla. Malugod silang tinanggap ng mga Nephita, at itinuro ni Alma sa lahat ng tao ang tungkol sa pagkakaroon ng pananampalataya kay Jesucristo. Maraming tao ang naniwala at nabinyagan.

Mosias 24:20–25; 25:14–24