Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Sina Alma, Amulek, at Zisrom


“Sina Alma, Amulek, at Zisrom,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

Alma 4–12

Sina Alma, Amulek, at Zisrom

Pagpiling maniwala at sumunod sa Diyos

Larawan
sinalakay si Alma ng mga tao

Nakita ni Alma na maraming miyembro ng Simbahan ang hindi sumusunod sa mga kautusan ng Diyos. Kaya si Alma ay nagpunta sa bawat lungsod at nagturo ng salita ng Diyos. Maraming tao ang nagsisi. Pagkatapos ay dumating si Alma sa isang lungsod na tinatawag na Ammonihas. Hindi siya pinakinggan ng mga tao roon. Siya ay dinuraan nila at itinaboy palabas ng lungsod.

Alma 4:11–20; 5–7; 8:1–13

Larawan
nakipag-usap ang anghel kay Alma

Nalungkot si Alma nang umalis siya sa lungsod. Nag-alala siya para sa mga tao. Pagkatapos ay isang anghel ang bumisita sa kanya. Sinabi ng anghel na maaaring maging masaya si Alma dahil sinunod niya ang Diyos. Sinabihan ng anghel si Alma na bumalik sa lungsod at balaan ang mga tao. Kung hindi sila magsisisi, sila ay malilipol. Agad na bumalik si Alma.

Alma 8:14–18

Larawan
nakipag-usap si Alma kay Amulek

Nang dumating si Alma sa lungsod, gutom na gutom siya. Maraming araw siyang nag-ayuno. Humingi ng pagkain si Alma sa isang lalaking nagngangalang Amulek.

Alma 8:19, 26

Larawan
Inanyayahan ni Amulek si Alma na pumasok sa loob

Sinabi ni Amulek kay Alma ang tungkol sa isang pangitain na nakita niya. Sa pangitain, sinabi ng isang anghel kay Amulek na si Alma ay isang propeta ng Diyos. Nagnais si Amulek na tulungan si Alma.

Alma 8:20

Larawan
Binati ni Alma ang pamilya ni Amulek

Dinala ni Amulek si Alma sa kanyang tahanan at binigyan ito ng pagkain. Nanatili si Alma sa bahay ni Amulek sa loob ng maraming araw. Pinagpala ng Diyos si Amulek at ang pamilya nito. Kalaunan, sinabi ng Diyos kina Alma at Amulek na sabihan ang mga tao sa lungsod na magsisi. Sumunod sina Alma at Amulek. Binigyan sila ng Diyos ng Kanyang kapangyarihan upang matulungan silang magturo.

Alma 8:21–32; 9–13

Larawan
Nag-alok si Zisrom ng pera

Ang isa sa mga taong nakarinig sa kanilang pagtuturo ay si Zisrom. Napakatalino niya at nagnais siyang linlangin sina Alma at Amulek. Sinabi ni Zisrom kay Amulek na bibigyan niya ito ng maraming pera kung sasabihin nitong hindi totoo ang Diyos. Nagnais siyang magsinungaling si Amulek upang hindi maniwala ang mga tao sa itinuro nina Amulek at Alma.

Alma 10:29–32; 11:21–25; 12:4–6

Larawan
Kinausap nina Alma at Amulek si Zisrom

Ngunit ayaw magsinungaling ni Amulek tungkol sa Diyos. Sinabi niya na totoo ang Diyos. Alam nina Amulek at Alma ang mga iniisip ni Zisrom. Si Zisrom ay namangha at nagtanong ng marami pang bagay. Itinuro nila kay Zisrom na may plano ang Diyos para sa lahat ng tao. Naniwala si Zisrom sa itinuro nina Alma at Amulek tungkol sa Diyos at kay Jesucristo.

Alma 11:23–46; 12:1–18, 24–34; 14:6–7; 15:6–7

Larawan
Naglakad si Zisrom kasama sina Alma at Amulek

Labis na nagsisi si Zisrom para sa masasamang bagay na ginawa niya. Nagkasakit siya. Dinalaw siya nina Alma at Amulek. Sinabi ni Alma na mapapagaling si Zisrom dahil sa pananampalataya ni Zisrom kay Jesus. Hiniling ni Alma sa Diyos na pagalingin siya. Si Zisrom ay lumundag sa kanyang mga paa. Siya ay napagaling! Siya ay nabinyagan at nagturo sa mga tao hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay.

Alma 15:1–12; 31:6, 32