Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Si Mosias at si Zenif


“Si Mosias at si Zenif,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

Omni 1; Mosias 9

Si Mosias at si Zenif

Pinrotektahan ng Panginoon

Larawan
si Mosias na pinamumunuan ang mga tao

Nagkaroon ng maraming digmaan ang mga Nephita at Lamanita. Isang araw, sinabi ng Panginoon sa isang Nephita na nagngangalang Mosias na umalis sa lupain ng Nephi kasama ang sinumang susunod sa Panginoon.

Omni 1:10, 12

Larawan
Si Mosias na nakatingin sa lungsod

Maraming Nephita ang sumunod sa Panginoon at umalis kasama ni Mosias. Inakay sila ng Panginoon papunta sa isang lupain na may mga tao nang nakatira. Ang tawag sa kanila ay mga tao ni Zarahemla.

Omni 1:13–14

Larawan
nakikipag-usap si Mosias sa mga tao

Ang mga tao ni Zarahemla ay nagmula rin sa Jerusalem matagal na panahon na ang nakalipas. Masaya sila na isinugo ng Panginoon ang mga Nephita na taglay ang mga laminang tanso. Sumama ang mga tao ni Mosias sa mga tao ni Zarahemla. Pinili ng lahat ng tao si Mosias bilang kanilang hari. Tinuruan niya sila tungkol sa Panginoon.

Omni 1:14–19.

Larawan
si Zenif na pinamumunuan ang mga tao

Matagal nang naninirahan ang mga Nephita sa Zarahemla nang bumalik ang isang malaking grupo sa lupain ng Nephi. Pinamunuan sila ng isang Nephita na nagngangalang Zenif.

Omni 1:27–29; Mosias 9:3–5

Larawan
hari ng mga Lamanita na nagsasalita

Nakatira na ngayon ang mga Lamanita sa lupain ng Nephi, kaya itinanong ni Zenif sa kanilang hari kung maaari ding manirahan doon ang kanyang mga tao. Pumayag ang hari.

Mosias 9:6–10

Larawan
mga Lamanitang sumasalakay

Nilinlang ng hari si Zenif at ang kanyang mga tao. Hinayaan niya silang manirahan sa lupain ng Nephi upang makuha niya ang ilan sa kanilang pagkain at mga hayop kalaunan. Ang mga tao ni Zenif ay nanirahan doon nang payapa sa loob ng maraming taon. Nagtanim sila ng maraming pagkain at nag-alaga ng maraming hayop. Pagkatapos ay sumalakay ang mga Lamanita at tinangkang agawin ang kanilang pagkain at mga hayop.

Mosias 9:10–14

Larawan
mga tao ni Zenif na nananalo sa laban

Tinuruan ni Zenif ang kanyang mga tao na magtiwala sa Panginoon. Nang dumating ang mga Lamanita upang kalabanin sila, nanalangin si Zenif at ang kanyang mga tao sa Panginoon. Binigyan sila ng Panginoon ng lakas at tumulong na maprotektahan sila. Nagawa nilang paalisin ang mga Lamanita. Pinagpala ng Panginoon si Zenif at ang kanyang mga tao dahil sa kanilang pananampalataya.

Mosias 9:15–18