Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Si Jacob at si Serem


“Si Jacob at si Serem,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

Jacob 7

Si Jacob at si Serem

Patotoo ng isang propeta tungkol kay Jesucristo

Larawan
si Jacob na nagtuturo sa mga bata

Si Jacob ay isang propeta na nakakita kay Jesucristo. Nais niyang maniwala ang mga tao kay Jesus. Itinuro ni Jacob sa mga tao na sundin ang mga kautusan ng Diyos. Nagsikap siyang magturo sa mga tao tungkol kay Jesus.

2 Nephi 11:2–3; Jacob 1:1–8, 17–19

Larawan
si Serem na nakikipag-usap sa mga tao

Isang araw, isang lalaking nagngangalang Serem ang nagsimulang magturo sa mga tao. Pero itinuro ni Serem na hindi totoo si Jesus. Mahusay magsalita si Serem, at maraming Nephita ang naniwala sa sinabi niya. Dahil sa kanya, maraming tao ang tumigil sa paniniwala kay Jesus. Nais din ni Serem na tumigil si Jacob sa paniniwala kay Jesus.

Jacob 7:1–5

Larawan
si Serem na nagsasalita at nakaturo kay Jacob

Sinabi ni Serem na walang makakaalam kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Sinabi niya na ang ibig sabihin nito ay walang makaaalam kung totoo si Jesus, dahil hindi pa pumarito si Jesus sa lupa. Pero sinabi ni Jacob na ang mga banal na kasulatan at lahat ng mga propeta ay nagturo tungkol kay Jesus. Ipinakita ng Diyos kay Jacob na paparito si Jesus sa lupa.

Jacob 7:6–12

Larawan
si Serem na nagsasalita at nakangisi

Hindi pa rin naniwala si Serem. Gusto niyang ipakita ni Jacob sa kanya ang isang palatandaan na tunay si Jesus.

Jacob 7:13

Larawan
si Jacob na itinataas ang kanyang kamay

Sinabi ni Jacob na alam ni Serem na paparito si Jesus at hindi na niya kailangan ng palatandaan. Pero sinabi ni Jacob na gagawin ng Diyos na himatayin si Serem para maipakita na ang Diyos ay may kapangyarihan at si Jesus ay tunay.

Jacob 7:14

Larawan
si Serem na napaluhod kasama ng mga tao sa paligid

Biglang nagkasakit si Serem at bumagsak sa lupa. Pagkaraan ng maraming araw, alam niyang mamamatay na siya. Sinabi niya sa mga tao na nalinlang siya ni Satanas. Sinabi niya na nagsinungaling siya sa Diyos. Alam na niya noon pa man na tunay si Jesus. Pagkatapos ay namatay si Serem. Binasa ng mga tao ang mga banal na kasulatan at naniwala kay Jesus.

Jacob 7:15–23