Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Bandila ng Kalayaan


“Ang Bandila ng Kalayaan,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

Alma 46–50

Ang Bandila ng Kalayaan

Pagtatanggol sa karapatang maniwala sa Diyos

Larawan
Iniunat ni Amalikeo ang kanyang mga bisig sa harap ng kanyang mga tao habang naghihiyawan sila sa tuwa

Si Amalikeo ay isang malaki at malakas na Nephita. Nagnais siyang maging hari. Nangako siya na bibigyan ng kapangyarihan ang mga taong tumulong sa kanya. Nagustuhan siya ng maraming tao at sinubukan nilang kumbinsinhin ang iba na sundin siya. Hinimok ni Amalikeo ang mga tao na gumawa ng masasamang bagay. Nagnais siya at ang kanyang mga tagasunod na patayin ang mga taong nagtuturo tungkol kay Jesucristo.

Alma 45:23–24; 46:1–10

Larawan
Naglakad si Kapitan Moroni palayo kay Amalikeo at sa kanyang mga tao

Si Kapitan Moroni, ang pinuno ng mga hukbo ng mga Nephita, ay naniwala kay Jesus. Alam niyang pinagpala ang mga Nephita dahil sinunod nila ang mga kautusan ng Diyos. Galit na galit siya dahil inaakay ni Amalikeo ang mga tao palayo sa Diyos, nagtatangkang maging hari at saktan ang mga tao.

Alma 46:9–11, 13–15, 18

Larawan
Itinaas ni Kapitan Moroni ang bandila ng kalayaan

Pinunit ni Moroni ang kanyang bata. Isinulat niya rito na dapat alalahanin ng mga tao ang kanilang Diyos, ang kanilang kalayaan, at ang kanilang mga pamilya. Pagkatapos ay itinali niya ito sa isang mahabang kahoy at tinawag itong bandila ng kalayaan. Nanalangin si Moroni para sa pagpapala ng Diyos. Ipinakita niya sa mga Nephita ang bandila ng kalayaan at hiniling na makiisa sila sa kanya sa pakikipaglaban kay Amalikeo.

Alma 46:12–20, 23–24, 28

Larawan
Tumayo si Kapitan Moroni sa harap ng kanyang hukbo at mga pamilya

Isinuot ng mga tao ang kanilang baluti at tumakbo sila patungo kay Moroni. Handa silang lumaban para sa Diyos at sa kanilang mga tahanan, pamilya, at kalayaan. Gumawa sila ng tipan, o espesyal na pangako, sa Diyos na lagi nila Siyang susundin. Pagkatapos ay naghanda silang makipaglaban kay Amalikeo.

Alma 46:21–22, 28

Larawan
Tumakas si Amalikeo at ang ilan sa kanyang mga kawal

Malaki ang hukbo ni Moroni. Natakot si Amalikeo. Sinubukan niyang tumakas kasama ang kanyang mga tagasunod. Ngunit marami sa kanila ang nag-alala na si Amalikeo ay nakikipaglaban para sa maling dahilan. Marami ang ayaw nang sumunod sa kanya. Pinigilan ng hukbo ni Moroni ang mga sumusunod pa rin kay Amalikeo, ngunit nakatakas si Amalikeo at ang ilan pa.

Alma 46:29–33

Larawan
Nakipag-usap si Amalikeo sa mga Lamanita

Nagtungo si Amalikeo sa lupain ng mga Lamanita. Nagnais siyang tulungan siya ng mga Lamanita na makipaglaban sa mga Nephita. Pagkatapos ay magkakaroon siya ng mas malaki at mas malakas na hukbo. Nagawa niyang galitin ang marami sa mga Lamanita laban sa mga Nephita. Sinabihan ng hari ng mga Lamanita ang lahat ng Lamanita na maghandang makipaglaban sa mga Nephita.

Alma 47:1

Larawan
Lumuhod si Amalikeo sa harap ng hari ng mga Lamanita para sa isang korona

Nagustuhan ng hari si Amalikeo. Ginawa niyang isa sa mga pinuno ng hukbo ng mga Lamanita si Amalikeo. Ngunit naghangad pa ni Amalikeo ng karagdagang kapangyarihan.

Alma 47:1–3

Larawan
Nagsuot si Amalikeo ng korona

Gumawa ng plano si Amalikeo upang mamuno sa mga Lamanita. Pinamunuan niya ang buong hukbo ng mga Lamanita. Pagkatapos ay ipinapatay niya sa kanyang mga tagapagsilbi ang hari at nagsinungaling siya tungkol sa kung sino ang gumawa nito.

Alma 47:4–26

Larawan
Ikinuyom ni Amalikeo ang kanyang kamay sa harap ng mga kawal na Lamanita habang naghihiyawan sila sa tuwa

Nagkunwaring galit si Amalikeo na napatay ang hari. Nagustuhan ng mga Lamanita si Amalikeo. Pinakasalan niya ang reyna at siya ang naging bagong hari. Nagnais siyang mamuno rin sa mga Nephita. Nagsabi siya ng masasamang bagay tungkol sa mga Nephita upang magalit sa kanila ang mga Lamanita. Hindi nagtagal, maraming Lamanita ang nagnais na makidigma laban sa kanila.

Alma 47:25–35; 48:1–4

Larawan
Nagtayo ng mga pader si Kapitan Moroni at ang kanyang mga kawal

Habang nagkakaroon ng kapangyarihan si Amalikeo sa pamamagitan ng pagsisinungaling, inihahanda naman ni Moroni ang mga Nephita na magtiwala sa Diyos. Inilagay niya ang bandila ng kalayaan sa bawat tore sa lupain upang ipaalala sa kanila ang kanilang pangako. Inihanda rin ng mga hukbo ni Moroni ang mga lungsod ng mga Nephita para sa digmaan. Sila ay nagtayo ng mga pader at naghukay ng mga trinsera upang gawing ligtas at matibay ang mga lungsod.

Alma 46:36; 48:7–18

Larawan
Ipinukol ng mga kawal ni Amalikeo ang kanilang mga palaso sa lungsod ng mga Nephita

Nang dumating ang mga Lamanita upang makidigma, hindi sila makapasok sa mga lungsod ng mga Nephita. Hinarangan sila ng mga pader at trinsera na itinayo ng mga hukbo ni Moroni. Maraming Lamanita ang namatay nang salakayin nila ang mga Nephita. Galit na galit si Amalikeo. Nangako siyang papatayin si Moroni.

Alma 49:1–27

Larawan
Nakipag-usap si Kapitan Moroni sa mga Nephita pagkatapos ng digmaan

Pinasalamatan ng mga Nephita ang Diyos sa pagtulong at pagprotekta sa kanila. Ginawa nilang mas ligtas ang kanilang mga lungsod at nagtayo pa sila ng mas maraming lungsod. Nagpatuloy ang pakikidigma sa mga Lamanita, ngunit tinulungan ng Diyos si Moroni at ang kanyang mga hukbo na panatilihing ligtas ang mga Nephita. Masaya ang mga Nephita. Sinunod nila ang Diyos at nanatili silang tapat sa Kanya.

Alma 49:28–30; 50:1–24