Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Si Tiankum at si Moroni


“Si Tiankum at si Moroni,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

Alma 62

Si Tiankum at si Moroni

Pagpapakita ng matinding katapangan

Larawan
Nakikipaglaban si Amoron kasama ang hukbo ng mga Lamanita sa hukbo ng mga Nephita

Nang mamatay si Amalikeo, ang kanyang kapatid na si Amoron ang naging hari ng mga Lamanita. Patuloy na nakipaglaban si Amoron sa mga Nephita. Tumagal nang maraming taon ang digmaan. Nagsimulang manalo ang mga Nephita, kaya tumakas ang lahat ng hukbo ng mga Lamanita patungo sa isang lungsod. Sina Moroni, Tiankum, at ang isa pang kapitan ng mga Nephita ay humayo upang sundan ang mga Lamanita kasama ang kanilang mga hukbo.

Alma 52:3–4; 54:16–24; 62:12–35

Larawan
Humawak si Tiankum ng sibat at lumapit sa lungsod sa gabi

Nagalit si Tiankum na sina Amalikeo at Amoron ay nagdulot ng malaki at mahabang digmaan. Dahil sa digmaan, maraming tao ang namatay at kaunting-kaunti na ang pagkain. Nagnais si Tiankum na tapusin ang digmaan. Nagtungo siya sa lungsod sa gabi upang hanapin si Amoron.

Alma 62:35–36

Larawan
Humawak si Tiankum ng lubid na may kawit at lumundag siya sa ibabaw ng pader

Umakyat si Tiankum sa pader ng lungsod. Nilibot niya ang bawat dako ng lungsod hanggang sa makita niya kung saan natutulog si Amoron.

Alma 62:36

Larawan
Tumayo si Tiankum sa pasukan ng tolda na may hawak na sibat at lubid

Naghagis si Tiankum ng isang sibat kay Amoron. Tinamaan ito malapit sa puso. Ngunit nagawang gisingin ni Amoron ang kanyang mga tagapagsilbi bago siya namatay.

Alma 62:36

Larawan
Nakaharap ni Tiankum ang mga kawal na Lamanita na may mga sibat

Hinabol ng mga tagapagsilbi ni Amoron si Tiankum at pinatay siya. Nalungkot nang labis ang iba pang mga pinunong Nephita sa pagkamatay ni Tiankum. Matapang siyang nakipaglaban para sa kalayaan ng kanyang mga tao.

Alma 62:36–37

Larawan
Binihag ng mga kawal na Nephita ang mga kawal na Lamanita

Kahit namatay siya, tinulungan ni Tiankum ang mga Nephita na manalo sa digmaan. Nawalan ng pinuno ang mga Lamanita dahil sa ginawa niya. Kinaumagahan, nakipaglaban si Moroni sa mga Lamanita at nanalo siya. Nilisan ng mga Lamanita ang lupain ng mga Nephita, at nagwakas ang digmaan.

Alma 62:37–38

Larawan
Pinangasiwaan ni Kapitan Moroni ang mga kalalakihan na nagtatayo ng isang nayon habang nakamasid ang mga pamilya

Sa wakas ay nagkaroon na ng kapayapaan. Nagsikap si Moroni na gawing mas ligtas ang lupain ng mga Nephita mula sa mga Lamanita. Pagkatapos ay umuwi si Moroni upang mamuhay nang payapa. Itinuro ng mga propeta ang ebanghelyo at pinamunuan ang Simbahan ng Diyos. Nagtiwala ang mga tao sa Panginoon, at pinagpala Niya sila.

Alma 62:39–51