Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Si Tiankum


“Si Tiankum,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

Alma 51–52

Si Tiankum

Pagprotekta sa kanyang mga tao

Larawan
Nakipag-usap si Tiankum kay Kapitan Moroni sa kampo

Si Tiankum ay isang pinuno sa hukbo ni Kapitan Moroni. Sinikap niyang panatilihing ligtas ang mga lungsod ng mga Nephita mula sa mga Lamanita.

Alma 50:35; 52:19

Larawan
Si Amalikeo at ang mga kawal na Lamanita na may dalang mga sandata

Si Amalikeo ay isang Nephita na naging hari ng mga Lamanita. Nagnais siyang mamuno rin sa mga Nephita. Sinalakay niya ang mga Nephita at sinakop ang maraming lungsod.

Alma 47:1, 35; 48:1–4; 51:23–28

Larawan
Nagmamartsa ang hukbo ng mga Nephita

Humayo ang hukbo ni Tiankum upang pigilan ang hukbo ni Amalikeo sa pagsalakay sa mga lungsod ng mga Nephita.

Alma 51:28–30

Larawan
nagkaharap ang mga hukbo sa paglubog ng araw

Buong araw na naglaban ang mga hukbo. Si Tiankum at ang kanyang hukbo ay nakipaglaban nang may higit na lakas at kasanayan kaysa sa hukbo ni Amalikeo. Ngunit hindi nanalo ang alinmang hukbo. Pagpatak ng dilim, parehong tumigil ang mga hukbo sa pakikipaglaban upang makapagpahinga sila.

Alma 51:31—32

Larawan
Umupo si Tiankum sa harap ng siga sa kampo

Ngunit hindi nagpahinga si Tiankum. Siya at ang kanyang tagapagsilbi ay lihim na nagtungo sa kampo ni Amalikeo.

Alma 51:33

Larawan
Tumayo si Tiankum sa ilalim ng sinag ng buwan sa tolda ni Amalikeo

Lihim na pumasok si Tiankum sa tolda ni Amalikeo. Pinatay niya si Amalikeo bago ito magising. Pagkatapos ay bumalik si Tiankum sa kanyang kampo at sinabi sa kanyang mga kawal na maghandang lumaban.

Alma 51:33–36

Larawan
Nagising ang mga Lamanita at mukhang natakot

Nang magising ang mga Lamanita, natagpuan nilang patay na si Amalikeo. Nakita rin nila na handa na si Tiankum at ang kanyang hukbo na labanan sila.

Alma 52:1

Larawan
Tumakas ang mga Lamanita mula sa hukbo ni Tiankum

Ang mga Lamanita ay natakot at tumakas. Dahil sa plano ni Tiankum, labis na natakot ang mga Lamanita na salakayin ang iba pang mga lungsod ng mga Nephita. Ngayon ay may panahon na si Tiankum na gawing mas ligtas ang mga lungsod ng mga Nephita. Nagsikap siyang mabuti upang maprotektahan ang kanyang mga tao. Napanatili niyang ligtas ang maraming lungsod ng mga Nephita.

Alma 52:2–10