Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Pagbalik sa Jerusalem


“Pagbalik sa Jerusalem,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

“Pagbalik sa Jerusalem,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon

1 Nephi 3

Pagbalik sa Jerusalem

Paglalakbay para sa mga laminang tanso

Larawan
pamilyang nagtatayo ng tolda

Si Lehi at ang kanyang pamilya ay naglalakbay sa ilang. Sa isang panaginip, sinabi ng Panginoon kay Lehi ang tungkol sa mga banal na kasulatan na nakasulat sa mga laminang tanso. Ang mga ito ay nasa isang lalaki sa Jerusalem na nagngangalang Laban. Sinabi ng Panginoon na kailangang dalhin ng pamilya ni Lehi ang mga laminang tanso sa kanilang paglalakbay.

1 Nephi 3:1–3, 19–20

Larawan
kinakausap ni Lehi ang kanyang pamilya

Iniutos ng Diyos kay Lehi na pabalikin ang kanyang mga anak sa Jerusalem para kunin ang mga laminang tanso. Nagreklamo ang mga kapatid ni Nephi. Sinabi nila kay Lehi na mahirap gawin iyon. Ayaw nilang umalis.

1 Nephi 3:4–5

Larawan
sina Saria, Lehi, at Nephi na nag-uusap

Napakahirap nitong gawin, pero gusto ni Nephi na sumunod. Alam niya na siya at ang kanyang mga kapatid ay tutulungan ng Panginoon. Sinabi ni Nephi kay Lehi na babalik siya sa Jerusalem at kukunin ang mga laminang tanso.

1 Nephi 3:6–8

Larawan
magkakapatid na malapit sa Jerusalem

Bumalik sina Laman, Lemuel, Sam, at Nephi sa Jerusalem. Pagdating nila roon, nagpasiya sila na pupunta si Laman sa bahay ni Laban at hihingin dito ang mga laminang tanso.

1 Nephi 3:9–11

Larawan
sina Laban at Laman

Nang hingin ni Laman ang mga laminang tanso, tinawag siya ni Laban na isang magnanakaw. Sinabi ni Laban na papatayin niya si Laman.

1 Nephi 3:11–13

Larawan
tumatakbo si Laman palayo sa mga bantay

Tumakbo palayo si Laman at sinabi sa kanyang mga kapatid ang nangyari.

1 Nephi 3:14

Larawan
si Nephi na kausap ang mga kapatid

Nalungkot ang apat na magkakapatid. Gusto nang bumalik nina Laman, Lemuel, at Sam sa kanilang mga magulang sa ilang, pero may ideya si Nephi. Sinabi niya na maaari silang makipagpalitan kay Laban para makuha ang mga laminang tanso. Bumalik sila sa kanilang tahanan sa lungsod at kinuha ang lahat ng kanilang mga ginto at pilak para ipakipagpalit.

1 Nephi 3:14–16, 22–24

Larawan
magkapatid na tumatakbo palayo sa mga bantay

Nang ipakita nila ang mga ginto at pilak kay Laban, gusto niyang makuha ang lahat ng ito. Pero ayaw pa rin niyang ibigay sa kanila ang mga laminang tanso. Sa halip, sinabi niya sa kanyang mga tagapaglingkod na patayin ang magkakapatid para makuha niya ang kanilang mga ginto at pilak.

1 Nephi 3:16, 23–25

Larawan
magkakapatid na nagtatago mula sa mga bantay

Tumakbo ang apat na magkakapatid para makaligtas at iniwan ang kanilang mga ginto at pilak. Hindi sila mahabol at mahuli ng mga tagapagsilbi ni Laban. Nagtago ang magkakapatid sa isang kuweba.

1 Nephi 3:26–27

Larawan
nagagalit sina Laman at Lemuel kina Nephi at Sam

Matapos ang lahat ng mahihirap na bagay na ito, sina Laman at Lemuel ay nagalit kay Nephi. Hinampas nila sina Nephi at Sam ng patpat.

1 Nephi 3:28

Larawan
anghel na nakikipag-usap kina Laman at Lemuel

Biglang dumating ang isang anghel at nagtanong kung bakit nila hinahampas si Nephi. Sinabi ng anghel na pinili si Nephi na mamuno sa kanila. Pagkatapos ay sinabihan sila ng anghel na bumalik sa Jerusalem. Maghahanda ang Panginoon ng paraan para makuha nila ang mga laminang tanso.

1 Nephi 3:29