Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Enos


“Si Enos,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

“Si Enos,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon

Enos 1

Enos

Isang malakas na panalangin sa Panginoon

Larawan
si Enos habang nangangaso

Ibinigay ni Jacob ang mga lamina sa kanyang anak na si Enos. Nagsulat dito si Enos tulad ng ginawa ni Jacob. Isang araw, nangaso si Enos sa kagubatan. Naalala niya ang itinuro ng kanyang ama tungkol sa Panginoon. Itinuro ni Jacob kay Enos na ang pagsunod sa Panginoon ay magdudulot sa kanya ng kagalakan.

Jacob 7:27; Enos 1:2–3

Larawan
si Enos na nagdarasal sa maghapon

Gustong madama ni Enos ang kagalakang binanggit ng kanyang ama. Nagpasiya siyang manalangin sa Panginoon. Nanalangin si Jacob nang buong araw hanggang gabi.

Enos 1:3–4

Larawan
si Enos na nakatingala

Sinabi ng Panginoon kay Enos na napatawad na ang kanyang mga kasalanan. Napakasaya ni Enos. Napagpala si Enos dahil sa kanyang pananampalataya kay Jesucristo.

Enos 1:3, 5–8

Larawan
si Enos na nagdarasal sa gabi.

Nais ni Enos na madama rin ng mga Nephita ang kaligayahang tulad nito. Patuloy siyang nagdasal. Hiniling niya sa Panginoon na madama ng mga Nephita ang kagalakang tulad nito.

Enos 1:9

Larawan
si Enos na mukhang masaya

Sinabi ng Panginoon kay Enos na sasamahan Niya ang mga Nephita kung susundin nila ang Kanyang mga kautusan. Nang marinig ito ni Enos, lalong lumakas ang kanyang pananampalataya sa Panginoon.

Enos 1:10–11

Larawan
si Enos na nagsusulat sa mga laminang ginto

Muling nagdasal si Enos. Hiniling niya sa Panginoon na basbasan ang mga Lamanita at panatilihing ligtas ang nakasulat sa mga lamina. Nais niyang mabasa ng mga Lamanita ang mga lamina at maniwala sila sa Panginoon. Ipinangako ng Panginoon kay Enos na mababasa ng mga Lamanita ang mga kasulatan balang-araw.

Enos 1:11–17