Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Isang Hukbo ng mga Kabataan


“Isang Hukbo ng mga Kabataan,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

Alma 53; 56–57

Isang Hukbo ng mga Kabataan

Mga anak na lalaki na nagtiwala sa Diyos

Larawan
humawak ng mga kalasag, sibat, at espada ang mga kabataang kawal

Nakipagdigmaan ang mga Nephita sa mga Lamanita at nangailangan ng tulong. Nagnais tumulong ang mga Anti-Nephi-Lehi. Ngunit nangako sila sa Panginoon na hindi sila lalaban. Dalawang libo sa kanilang mga anak na lalaki ang hindi gumawa ng pangakong iyon. Sa halip, nangako ang mga anak na lalaki na lalaban upang protektahan ang kanilang mga pamilya. Ang mga anak na lalaking ito ay tinawag na mga kabataang kawal.

Alma 53:8, 13–18, 22; 56:1–8

Larawan
Pinamunuan ni Helaman ang mga kabataang kawal patungo sa isang lungsod

Pinili ng mga kabataang kawal ang propetang si Helaman na mamuno sa kanila. Isa silang maliit na grupo kung ihahambing sa malaking hukbo ng mga Lamanita. Subalit alam ni Helaman na ang mga kabataang kawal ay matapat, matapang, at may pananampalataya. Sa pamumuno sa kanila ni Helaman, humayo sila upang tulungan ang mga Nephita.

Alma 53:19–22; 56:9–10, 17, 19

Larawan
nagtayo ng muog ang mga kabataang kawal kasama ang mga kawal na Nephita, at nagdala ng pagkain ang mga magulang

Pagod na ang mga kawal na Nephita. Ngunit nang dumating ang mga kabataang kawal, natuwa ang mga Nephita. Nagbigay sa kanila ng pag-asa at lakas ang hukbo ng mga kabataan. Magkasama nilang pinaghandaang labanan ang mga Lamanita. Ang mga magulang ng mga kabataang kawal ay tumulong din sa pamamagitan ng pagdadala ng pagkain at mga panustos sa kanila.

Alma 56:16–17, 19–20, 22, 27

Larawan
Nagtipon ang mga pinunong Nephita at mga kabataang kawal sa isang tolda

Nasakop ng mga Lamanita ang maraming lungsod at pinagbantay nila ang kanilang mga hukbo sa mga iyon. Nagnais ang mga pinunong Nephita na paalisin ang mga Lamanita sa isa sa mga lungsod. Sila ay bumuo ng plano at humingi ng tulong sa mga kabataang kawal.

Alma 56:18–30

Larawan
Tumakbo ang hukbo ng mga Lamanita na may dalang mga sandata patungo sa mga kabataang kawal

Ang mga kabataang kawal ay nagkunwaring nagdadala ng pagkain sa mga Nephita na nakatira sa isang kalapit na lungsod. Nang makita ng mga Lamanita ang maliit na grupo, nilisan nila ang kanilang lungsod at hinabol ang mga kabataang kawal. Inakala ng mga Lamanita na madaling mabibihag ang mga ito.

Alma 56:30–36

Larawan
nagmartsa sa isang mahabang linya ang mga kabataang kawal, na sinusundan ng isang hukbo ng mga Lamanita, na sinusundan din ng isang hukbo ng mga Nephita

Tumakas ang mga kabataang kawal mula sa mga Lamanita. Pagkatapos ay isang hukbo ng mga Nephita ang nagsimulang humabol sa mga Lamanita. Nagnais ang mga Lamanita na maabutan ang mga kabataang kawal bago sila abutan ng mga Nephita. Nakita ng mga Nephita na nasa panganib ang mga kabataang kawal kaya mas binilisan nila ang pagmartsa upang tulungan ang mga ito.

Alma 56:36–41

Larawan
hinanap ng isang kabataang kawal ang iba pang mga hukbo at nag-alala siya

Makalipas ang ilang oras, hindi na nakita ng mga kabataang kawal ang mga Lamanita. Nagsimula silang mag-isip kung inabutan na ng mga Nephita ang mga Lamanita at naglalaban na sila.

Alma 56:42–43

Larawan
Itinaas ni Helaman ang kanyang espada

Nag-alala si Helaman. Inisip niya na maaaring nagtatangka ang mga Lamanita na bitagin sila. Tinanong niya ang kanyang mga kabataang kawal kung hahayo sila at makikipaglaban sa mga Lamanita.

Alma 56:43–44

Larawan
itinaas ng mga kabataang kawal ang kanilang mga espada

Naalala ng mga kabataang kawal ang itinuro sa kanila ng kanilang mga ina. Tinuruan sila ng kanilang mga ina na magtiwala sa Diyos at huwag mag-alinlangan, dahil pananatilihin Niya silang ligtas. Ang mga anak na lalaking ito ay naniwala sa Diyos at nagnais na tuparin ang kanilang pangako na protektahan ang kanilang mga pamilya. Sinabi nila kay Helaman na handa na silang humayo at makipaglaban.

Alma 56:46–48

Larawan
Nagmartsa si Helaman kasama ang mga kabataang kawal

Namangha si Helaman sa kanilang tapang. Pinamunuan niya sila pabalik upang makipaglaban sa mga Lamanita.

Alma 56:45, 49

Larawan
Tumayo si Helaman at ang mga kabataang kawal na may hawak na mga sandata sa gilid ng burol

Nakita ng mga kabataang kawal ang mga Lamanita at Nephita na naglalaban. Pagod na ang mga Nephita. Matatalo na sana sila nang dumating ang mga kabataang kawal.

Alma 56:49–52

Larawan
Mukhang natakot ang mga sundalong Lamanita

Ang mga kabataang kawal ay nakipaglaban taglay ang lakas ng Diyos. Ang mga Lamanita ay natakot sa kanila at tumigil sa pakikipaglaban. Nakatulong ang mga kabataang kawal na maipanalo ang digmaan!

Alma 56:52–54, 56

Larawan
Iniabot ni Helaman ang kanyang kamay sa mga kabataang kawal

Sa digmaan, maraming Nephita at Lamanita ang namatay. Nag-alala si Helaman na maaaring may namatay din sa kanyang mga kabataang kawal. Ngunit pagkatapos ng digmaan, binilang ni Helaman ang lahat. Masayang-masaya siyang makita na wala ni isa sa mga kabataang kawal ang napatay. Pinangalagaan sila ng Diyos.

Alma 56:55–56

Larawan
nasugatan ang mga kabataang kawal at nakatayo silang lahat nang magkakasama

Mas marami pang anak na lalaki ang sumama sa mga kabataang kawal. Patuloy nilang tinulungang lumaban ang mga Nephita. Sa iba pang mga digmaang ito, nasugatan ang lahat ng kabataang kawal, ngunit wala ni isa sa kanila ang namatay. Naalala nila ang itinuro sa kanila ng kanilang mga ina. Nagtiwala sila sa Diyos, at pinrotektahan Niya sila.

Alma 57:6, 19–27; 58:39–40