Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang mga Anti-Nephi-Lehi


“Ang mga Anti-Nephi-Lehi,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

Alma 23–27

Ang mga Anti-Nephi-Lehi

Mga taong piniling mahalin ang kanilang mga kaaway

Larawan
Tinuruan ni Ammon ang mga tao sa ilalim ng isang puno

Nalaman ng maraming Lamanita ang tungkol sa Diyos mula kay Ammon at sa kanyang mga kapatid. Ang mga Lamanitang ito ay may malakas na pananampalataya sa Panginoon at sumunod sa mga kautusan ng Diyos. Nagnais sila ng bagong pangalan, kaya tinawag nila ang kanilang sarili na mga Anti-Nephi-Lehi sa halip na mga Lamanita.

Alma 23:3–7, 16–17

Larawan
Nakinig ang mga pamilya sa pagtuturo ni Ammon

Nagbago ang mga Anti-Nephi-Lehi dahil sa kanilang pananampalataya sa Diyos. Pinagsisihan nila ang masasamang bagay na ginawa nila noon. Alam nila na mahal sila ng Diyos at pinatawad Niya sila.

Alma 24:8–14

Larawan
Naghagis ng mga sandata ang mga Anti-Nephi-Lehi sa isang bukas na hukay

Ang mga Lamanita ay nagalit at naghandang salakayin ang mga Anti-Nephi-Lehi. Sa halip na lumaban, nangako ang mga Anti-Nephi-Lehi sa Diyos. Sinabi nila na hindi na sila muling mananakit pa ng mga tao. Upang ipakita ito, ibinaon nila ang kanilang mga sandata. Pinili nilang mahalin ang kanilang mga kaaway sa halip na saktan o patayin ang mga ito.

Alma 24:1–19; 26:31–34

Larawan
Humawak ng sandata ang galit na Lamanita

Sinalakay ng mga Lamanita na hindi naniwala sa Diyos ang mga Anti-Nephi-Lehi.

Alma 24:20

Larawan
Nanalangin nang nakaluhod ang dalawang Anti-Nephi-Lehi

Nanampalataya ang mga Anti-Nephi-Lehi na kung sila ay papatayin, mabubuhay sila sa piling ng Diyos. Tinupad nila ang kanilang pangako sa Diyos at hindi nila nilabanan ang mga Lamanita.

Alma 24:16, 21

Larawan
Tumigil ang mga Lamanita sa pagsalakay

Sa halip na makipaglaban, nanalangin ang mga Anti-Nephi-Lehi. Nang makita ito ng mga Lamanita, marami sa kanila ang tumigil sa pagsalakay. Pinagsisihan nila ang pagpatay sa mga tao. Pinili rin ng mga Lamanitang iyon na huwag nang muling manakit ng mga tao. Sumama sila sa mga Anti-Nephi-Lehi.

Alma 24:21–27; 25:13–16

Larawan
Naglakbay si Ammon at ang mga Anti-Nephi-Lehi

Sa paglipas ng panahon, mas maraming tao ang sumalakay. Nalungkot si Ammon at ang kanyang mga kapatid dahil nagdurusa ang mga Anti-Nephi-Lehi. Hiniling nila sa hari na isama ang kanyang mga tao upang manirahan kasama ng mga Nephita. Sinabi ng hari na hahayo sila kung nais ng Panginoon na gawin nila ito. Nanalangin si Ammon. Sinabi ng Panginoon na dapat silang humayo at pananatilihin Niya silang ligtas.

Alma 27:2–15

Larawan
Sinalubong ng mga Nephita ang mga taong Anti-Nephi-Lehi

Binigyan ng mga Nephita ang mga Anti-Nephi-Lehi ng lupain na titirhan at pinrotektahan nila ang mga ito. Bilang kapalit, nagbigay ng pagkain ang mga Anti-Nephi-Lehi sa mga Nephita. Ang mga Anti-Nephi-Lehi ay may malaking pananampalataya at pagmamahal sa Diyos. Sila ay tapat sa lahat ng tao at tinupad nila ang kanilang pangako na hindi kailanman makikipaglaban. Sila ay naging matapat sa buong buhay nila.

Alma 27:20–30