Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Liahona at ang Nabaling Pana


“Ang Liahona at ang Nabaling Pana,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

1 Nephi 16

Ang Liahona at ang Nabaling Pana

Paghingi ng tulong sa Panginoon

Larawan
mga pamilyang nakaupo sa paligid ng campfire

Ang mga pamilya nina Lehi at Ismael ay naglakbay sa ilang sa loob ng maraming taon. Inakay sila ng Panginoon sa mas magagandang bahagi ng lupain. Kinailangan nilang mangaso at mangolekta ng pagkain habang nasa daan. Ito ay isang mahirap na paglalakbay.

1 Nephi 16:14; 17:1, 4

Larawan
si Lehi na nakatingin sa pagsikat ng araw

Nangako ang Panginoon na aakayin ang mga pamilya papunta sa isang mabuting lupain kung susundin nila ang mga kautusan. Hindi nila alam kung paano matatagpuan ang lupain, pero gagabayan Niya sila.

1 Nephi 2:20; 10:13; 17:13–14

Larawan
si Lehi na hawak ang Liahona

Isang umaga, nagulat si Lehi nang makita niya ang isang bolang tanso sa labas ng kanyang tolda. Ang bola ay tinawag na Liahona. Sa loob ng Liahona, may isang arrow na nagturo ng daan na kailangang lakbayin ng grupo. Kung minsan ay nakakakita sila ng mga mensahe mula sa Panginoon na nakasulat sa Liahona. Sa ganitong paraan sila ginabayan ng Panginoon.

1 Nephi 16:10, 16, 26–29; Alma 37:38

Larawan
si Nephi na may nabaling pana at sina Laman at Lemuel na nagrereklamo

Isang araw habang nangangaso si Nephi, nabali ang kanyang bakal na pana. Hindi makakakuha ng pagkain ang mga pamilya kung wala nito. Ang mga kapatid ni Nephi ay nagalit sa kanya at sa Panginoon.

1 Nephi 16:18–21

Larawan
si Nephi na hawak ang nabaling pana at si Lehi na nagagalit

Pagod na pagod silang lahat at gutom. Ang ilan sa kanila ay malungkot at nagreklamo. Natakot sila na magugutom sila. Kahit si Lehi ay nagreklamo sa Panginoon.

1 Nephi 16:19–22, 35

Larawan
si Nephi na may hawak na martilyo at pait

Gumawa si Nephi ng bagong pana at palaso na yari sa kahoy. Nanampalataya siya na tutulungan siya ng Panginoon na makahanap ng pagkain.

1 Nephi 16:23

Larawan
sina Lehi at Nephi na nakatingin sa Liahona

Tinanong ni Nephi si Lehi kung saan pupunta para mangaso. Nalungkot si Lehi na nagreklamo siya. Nagsisi siya at humingi ng tulong sa Panginoon. Sinabi ng Panginoon kay Lehi na tingnan ang Liahona. Isang mensahe ang nakasulat dito. Nalaman ng mga pamilya na kumikilos lamang ang Liahona kapag nananampalataya sila sa Panginoon at sumusunod sa mga kautusan.

1 Nephi 16:23–29

Larawan
Pamilya ni Lehi na pinanonood ang pagdadala ni Nephi ng isang hayop na napana niya

Kung minsan ay binabago ng Panginoon ang mensahe sa Liahona para matulungan sila sa kanilang mga paglalakbay. Tinulungan ng Liahona si Nephi na malaman kung saan mangangaso. Nag-uwi siya ng hayop na makakain nila, at naging masaya ang lahat. Sila ay nagsisi at nagpasalamat sa Panginoon.

1 Nephi 16:28–32