Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Saria


“Saria,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon

“Saria,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

1 Nephi 2–3; 5

Saria

Paglalakbay sa pananampalataya ng isang babae

Larawan
sina Saria at Lehi

Tumira si Saria sa Jerusalem kasama ng kanyang pamilya. Ang kanyang asawang si Lehi ay isang propeta noon ng Diyos. Isang araw, sinabihan ng Panginoon si Lehi na umalis sa Jerusalem kasama ang kanyang pamilya.

1 Nephi 2:1–3

Larawan
si Saria na nagdarasal

Nanampalataya si Saria sa Panginoon. Iniwan niya at ng kanyang pamilya ang kanilang tahanan. Iniwan nila ang kanilang mga ginto at pilak para sumama kay Lehi papunta sa ilang.

1 Nephi 2:4–5

Larawan
si Saria sa ilang

Sina Saria at Lehi ay nagdala ng pagkain at iba pang mga bagay na kailangan nila. Matapos silang maglakbay nang maraming araw, nagtayo sila ng mga tolda para manirahan sa ilang. Pagkatapos ay nagtayo sila ng altar at nagpasalamat sa Panginoon para sa Kanyang tulong.

1 Nephi 2:4, 6–7, 15

Larawan
nag-alala si Saria kasama si Lehi sa malayo

Isang araw hiniling ng Panginoon sa mga anak na lalaki nina Saria at Lehi na pumunta sa Jerusalem at kunin ang mga laminang tanso. Natakot si Saria nang hindi bumalik ang kanyang mga anak. Inakala niyang patay na sila. Inalo ni Lehi si Saria. Pinili nilang magtiwala na pangangalagaan ng Panginoon ang kanilang mga anak.

1 Nephi 3:1–2, 4–6; 5:1–6

Larawan
sina Saria at Lehi na malugod na tinatanggap ang kanilang mga anak

Napuspos ng kagalakan si Saria nang bumalik ang kanyang mga anak mula sa Jerusalem. Ngayo’y alam na niya na pinangalagaan sila ng Panginoon. Nagtiwala siya na bibigyan sila ng Panginoon ng kapangyarihang gawin ang ipinagagawa Niya. Naging masaya ang buong pamilya ni Saria, at pinasalamatan nila ang Panginoon.

1 Nephi 5:7–9