Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Propetang si Eter


“Ang Propetang si Eter,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

Eter 6; 12–15

Ang Propetang si Eter

Ang babala ng Panginoon sa isang bansa

Larawan
masasayang tao sa isang palengke ng lungsod

Dinala ng Panginoon ang kapatid ni Jared at ang pamilya nito sa lupang pangako. Sila ay mapagpakumbaba at sumusunod sa mga kautusan ng Diyos. Lumaki ang kanilang grupo sa loob ng maraming taon, at nagnais silang pamunuan sila ng isang hari. Binalaan sila ng kapatid ni Jared na ang pagkakaroon ng hari ay maaaring humantong sa problema, ngunit hinayaan niyang pumili sila ng isang hari.

Eter 6:5, 12–18, 22–24, 27

Larawan
Nagalit ang mga Jaredita at dinuro nila si Eter

Sa loob ng daan-daang taon, nanirahan ang mga Jaredita sa lupang pangako. Kung minsan ay inaakay sila ng kanilang mga hari na gumawa ng mabuti, ngunit may ibang pagkakataon na hindi nila ito ginagawa. Babalaan ng mga propeta ng Diyos ang mga tao na magsisi. Kapag sila ay nakinig at sumunod sa mga kautusan ng Diyos, pagpapalain Niya sila. Ang huling propetang Jaredita ay nagngangalang Eter.

Eter 7:23–27; 9:26–30; 10:16–17, 28; 11:1–8, 12–13, 20–22; 12:2

Larawan
Umupo si Eter at nagturo, at ang ilang tao ay nagalit

Hindi sinunod ng mga tao ang Diyos. Ngunit ang Espiritu ng Panginoon ay taglay ni Eter. Tinuruan niya sila mula umaga hanggang gabi. Sinabi niya na maniwala sa Diyos at magsisi o sila ay malilipol. Kung may pananampalataya sila, makaaasa sila na muli nilang makakapiling ang Diyos at magkakaroon sila ng lakas na gumawa ng mabubuting bagay. Hindi naniwala ang mga tao.

Eter 11:22; 12:2–5; 13:2

Larawan
Umupo si Eter sa kuweba at nagsulat

Pinanood ni Eter ang ginawa ng mga tao. Nagtago siya sa isang kuweba sa araw at isinulat niya ang kanyang nakita. Hindi nagsisi ang mga tao at nagsimula silang makipaglaban sa isa’t isa.

Eter 13:13–15

Larawan
Tumingin sa harapan si Coriantumer

Nakita ni Eter na kinailangang makipaglaban ng hari ng mga Jaredita na si Coriantumer sa maraming tao na nais maging hari. Ginamit ni Coriantumer ang kanyang hukbo upang protektahan ang kanyang sarili.

Eter 12:1; 13:15–19

Larawan
Nakipag-usap si Eter kay Coriantumer

Isang araw, sinabi ng Panginoon kay Eter na balaan si Coriantumer at mga tao nito na magsisi. Kung gagawin nila ito, tutulungan ng Panginoon ang mga tao at pahihintulutan si Coriantumer na panatilihin ang kanyang kaharian. Kung hindi, wawasakin ng mga tao ang isa’t isa. Mabubuhay nang mahaba si Coriantumer upang makita na totoo ang mga salita ng Panginoon. Pagkatapos ay mamamatay rin siya.

Eter 13:20–21

Larawan
Nakipaglaban si Shiz at ang kanyang hukbo sa hukbo ni Coriantumer, at nanood si Eter

Hindi nagsisi si Coriantumer at ang kanyang mga tao. Sinubukan ng mga tao na patayin si Eter, ngunit tumakas si Eter patungo sa kanyang kuweba. Isang lalaking nagngangalang Shiz ang nakipaglaban kay Coriantumer. Namili ang mga tao kung sa hukbo ni Shiz o sa hukbo ni Coriantumer sila sasama. Ang dalawang hukbo ay nagkaroon ng maraming digmaan. Maraming tao ang namatay.

Eter 13:22–25; 14:17–20; 15:2

Larawan
Nakipaglaban ang hukbo ni Coriantumer sa hukbo ni Shiz, at sumulat si Coriantumer ng isang liham

Naalala ni Coriantumer ang sinabi ni Eter. Nalungkot siya na napakarami sa kanyang mga tao ang namatay. Naalala niya na nagbabala ang lahat ng propeta na mangyayari ito. Siya ay nagsimulang magsisi at nagpadala ng isang liham kay Shiz. Sinabi niya na isusuko niya ang kaharian kung maliligtas ang kanyang mga tao. Ngunit nagnais si Shiz na makipaglaban.

Eter 15:1–5

Larawan
nagmartsa ang mga kalalakihan, kababaihan, at bata bilang mga kawal, at nanood si Eter

Ang mga tao ni Coriantumer ay nagalit at nagnais na makipaglaban. Ang mga tao ni Shiz ay nagalit din at nagnais na makipaglaban. Walang nagnais na magsisi. Nakita ni Eter na ang bawat tao ay nakidigma. Mas maraming tao pa ang namatay.

Eter 15:6, 12–17

Larawan
Lumuhod si Coriantumer sa ulan na may hawak na sibat

Nagnais si Coriantumer na pigilan ang digmaan. Hiniling niya kay Shiz na kunin na ang kaharian at huwag saktan ang kanyang mga tao. Ngunit galit ang lahat. Wala na sa kanila ang Espiritu ng Panginoon. Nakita ni Eter na patuloy na nakipaglaban ang lahat hanggang si Coriantumer na lang ang tanging Jaredita na buhay. Pagkatapos ay nawalan ng malay si Coriantumer.

Eter 15:18–30, 32

Larawan
Lumuhod si Eter at nanalangin sa Diyos sa isang altar sa burol, at itinago ang mga talaan sa isang kalapit na kuweba

Nakita ni Eter na ang lahat ng sinabi ng Panginoon ay nagkatotoo. Natapos nang isulat ni Eter ang nangyari. Pagkatapos ay tiniyak niyang matatagpuan ng mga tao ang kanyang mga isinulat matapos siyang pumanaw. Nagtiwala si Eter sa Diyos at inasam na makasama Siya balang araw.

Eter 15:33–34