Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Isang Barkong Tatawid sa Dagat


“Isang Barkong Tatawid sa Dagat,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

“Isang Barkong Tatawid sa Dagat,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon

1 Nephi 17–18

Isang Barkong Tatawid sa Dagat

Paghahanda sa pagpunta sa lupang pangako

Larawan
mga pamilya sa tabi ng dagat

Ang Masagana ay isang lupain na mayroong napakaraming prutas at pulot. Ito ay isang lugar na magandang tirahan. Ang pamilya nina Lehi at Saria ay nanirahan sa tabi ng dagat at nagkaroon ng lahat ng kailangan nila.

1 Nephi 17:5–6

Larawan
si Nephi na nagdarasal

Pagkaraan ng maraming araw, sinabi ng Panginoon kay Nephi na magpunta sa bundok para manalangin. Doon, sinabi sa kanya ng Panginoon na gumawa ng barko upang makatawid ng dagat ang kanyang pamilya.

1 Nephi 17:7–8

Larawan
si Nephi na nakatingin sa mga bato

Ipinakita ng Panginoon kay Nephi kung paano gumawa ng barko. Pero hindi alam ni Nephi kung saan makakahanap ng metal para makagawa ng mga kagamitan. Ipinakita ng Panginoon kay Nephi kung saan maghahanap ng metal.

1 Nephi 17:8–10

Larawan
si Nephi na nagtatrabaho habang nag-uusap sina Laman at Lemuel

Kalaunan, nagparikit ng apoy si Nephi para makagawa ng mga kagamitan. Pinanood nina Laman at Lemuel ang kanilang kapatid na si Nephi. Ayaw nilang tumulong sa kanya sa paggawa ng barko. Inisip nilang isang masamang ideya ang tangkaing tawirin ang dagat.

1 Nephi 17:11, 16–18

Larawan
sina Laman at Lemuel na galit kay Nephi

Hindi naniwala sina Laman at Lemuel na sinabi ng Panginoon kay Nephi na gumawa ng barko. Tinanong sila ni Nephi kung bakit wala pa rin silang pananampalataya sa Panginoon. Ipinaalala niya sa kanyang mga kapatid na nakakita na sila ng anghel at nalaman na nila ang kapangyarihan ng Panginoon. Nagalit nang husto sina Laman at Lemuel kaya gusto nilang patayin si Nephi.

1 Nephi 17:18–19, 45–48

Larawan
sina Laman at Lemuel na nasa lupa

Pero si Nephi ay napuspos ng kapangyarihan ng Diyos. Binalaan ni Nephi sina Laman at Lemuel na huwag siyang hahawakan. Natakot sila at hindi nagtangkang hawakan si Nephi sa loob ng maraming araw. Pagkatapos ay sinabi ng Panginoon kay Nephi na iunat ang kanyang kamay sa kanyang mga kapatid. Nang iniunat ni Nephi ang kanyang kamay sa kanila, nadama nilang nayanig sila ng kapangyarihan ng Panginoon.

1 Nephi 17:48, 52–55

Larawan
ang lahat na gumagawa ng barko

Sinamba nina Laman at Lemuel ang Panginoon at tumulong sa paggawa ng barko. Maraming beses na nanalangin si Nephi sa Panginoon para humingi ng tulong. Ang barkong ginawa ng pamilya ni Nephi ay maganda. Pagkaraan ng maraming araw, natapos ang barko, at nakita nila na maganda ito. Alam ng pamilya ni Nephi na tinulungan sila ng Panginoon.

1 Nephi 18:1–4