Mosiah 23
    Footnotes
    Theme

    Isang ulat ni Alma at ng mga tao ng Panginoon, na itinaboy patungo sa ilang ng mga tao ni Haring Noe.

    Binubuo ng mga kabanata 23 at 24.

    Kabanata 23

    Si Alma ay tumangging maging hari—Naglingkod siya bilang mataas na saserdote—Pinarusahan ng Panginoon ang kanyang mga tao, at nasakop ng mga Lamanita ang lupain ng Helam—Si Amulon, ang pinuno ng masasamang saserdote ni Haring Noe, ay namahala sa ilalim ng hari ng mga Lamanita. Mga 145–121 B.C.

    1 Ngayon si Alma, na binalaan ng Panginoon na ang mga hukbo ni haring Noe ay sasalakay sa kanila, at ipinaalam ito sa kanyang mga tao, samakatwid, sama-samang tinipon nila ang kanilang mga kawan ng tupa, at dinala ang kanilang mga butil, at lumisan patungo sa ilang bago dumating ang mga hukbo ni haring Noe.

    2 At pinalakas sila ng Panginoon, upang ang mga tao ni haring Noe ay hindi makaabot sa kanila upang lipulin sila.

    3 At sila ay tumakas, walong araw na naglakbay patungo sa ilang.

    4 At nakarating sila sa isang lupain, oo, maging sa isang napakaganda at nakasisiyang lupain, isang lupain ng dalisay na tubig.

    5 At nagtayo sila ng kanilang mga tolda, at nagsimulang magbungkal ng lupa, at nagsimulang magtayo ng mga gusali; oo, sila ay masisipag, at labis na nagpagal.

    6 At ang mga tao ay nagnais na si Alma ang kanilang maging hari, sapagkat siya ay minamahal ng kanyang mga tao.

    7 Subalit sinabi niya sa kanila: Masdan, hindi kapaki-pakinabang na magkaroon tayo ng hari; sapagkat ganito ang wika ng Panginoon: aHindi ninyo nararapat na pahalagahan ang isang tao nang higit pa sa iba, o ang isang tao ay hindi nararapat mag-isip na ang kanyang sarili ay higit pa kaysa sa iba; kaya nga sinasabi ko sa inyo, hindi kapaki-pakinabang na magkaroon kayo ng hari.

    8 Gayon pa man, kung maaari na magkakaroon kayo sa tuwina ng mga makatarungang tao na maging hari ninyo, ay makabubuti nga para sa inyo na magkaroon ng hari.

    9 Subalit alalahanin ang akasamaan ni haring Noe at ng kanyang mga saserdote; at ako rin ay bnahulog sa bitag, at nakagawa ng maraming bagay na karumal-dumal sa paningin ng Panginoon, na naging dahilan ng aking masidhing pagsisisi;

    10 Gayon pa man, matapos ang labis na apagdurusa, dininig ng Panginoon ang aking mga pagsusumamo, at tinugon ang aking mga panalangin, at ginawa akong kasangkapan sa kanyang mga kamay sa pagdadala nang bmarami sa inyo sa kaalaman ng kanyang katotohanan.

    11 Gayon pa man, sa mga ito ako ay hindi nagmamapuri, sapagkat ako ay hindi karapat-dapat na magmapuri sa aking sarili.

    12 At ngayon sinasabi ko sa inyo, pinahirapan kayo ni haring Noe, at napaalipin sa kanya at sa kanyang mga saserdote, at kanilang nadala sa kasamaan; anupa’t kayo ay nagapos ng mga agapos ng kasamaan.

    13 At ngayon, dahil sa kayo ay nakalaya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos sa pagkakagapos na ito; oo, maging mula sa mga kamay ni haring Noe at ng kanyang mga tao, at mula rin sa pagkakagapos ng kasamaan, gayon pa man, ninanais kong maging amatatag kayo sa bkalayaang ito kung saan kayo ginawang malaya, at na cwala kayong pagtitiwalaang tao na maging hari ninyo.

    14 At gayon din, huwag pagkakatiwalaan ang sinuman na inyong maging aguro ni inyong maging mangangaral, maliban sa siya ay tao ng Diyos, lumalakad sa kanyang mga landas at sinusunod ang kanyang mga kautusan.

    15 Sa gayon tinuruan ni Alma ang kanyang mga tao, na ang bawat tao ay nararapat amahalin ang kanyang kapwa na tulad ng kanyang sarili, na hindi dapat magkaroon ng balitan sa kanila.

    16 At ngayon, si Alma ang kanilang amataas na saserdote, siya na nagtatag ng kanilang simbahan.

    17 At ito ay nangyari na, na walang nakatanggap ng akarapatang mangaral o magturo maliban sa ito ay sa pamamagitan niya na mula sa Diyos. Samakatwid, itinalaga niya ang lahat ng kanyang saserdote at lahat ng kanyang mga guro; at walang itinalaga maliban sa sila ay mga makatarungang tao.

    18 Anupa’t pinangalagaan nila ang kanilang mga tao, at apinagyaman sila sa mga bagay na may kinalaman sa kabutihan.

    19 At ito ay nangyari na, na nagsimula silang umunlad nang labis sa lupain; at kanilang tinawag na Helam ang lupain.

    20 At ito ay nangyari na, na dumami sila at labis na umunlad sa lupain ng Helam; at nagtayo sila ng isang lunsod, na tinawag nilang lunsod ng Helam.

    21 Gayon pa man, minarapat ng Panginoon na apahirapan ang kanyang mga tao; oo, sinusubukan niya ang kanilang btiyaga at kanilang pananampalataya.

    22 Gayon pa man—sinuman ang magbibigay ng kanyang atiwala sa kanya, siya rin ay bdadakilain sa huling araw. Oo, at gayon din sa mga taong ito.

    23 Sapagkat masdan, ipakikita ko sa inyo na dinala sila sa pagkaalipin, at walang makapagpapalaya sa kanila kundi ang Panginoon nilang Diyos, oo, maging ang Diyos nina Abraham at Isaac, at ni Jacob.

    24 At ito ay nangyari na, na kanyang pinalaya sila, at kanyang ipinakita ang dakila niyang kapangyarihan sa kanila, at labis ang kanilang mga kasiyahan.

    25 Sapagkat masdan, ito ay nangyari na, na habang sila ay nasa lupain ng Helam, oo, sa lunsod ng Helam, habang nagbubungkal ng lupa sa palibot, masdan, isang hukbo ng mga Lamanita ang nasa mga hangganan ng lupain.

    26 Ngayon ito ay nangyari na, na ang mga kapatid ni Alma ay nagsipanakbuhan mula sa kanilang bukirin, at sama-samang tinipon ang kanilang sarili sa lunsod ng Helam; at labis silang natakot dahil sa paglitaw ng mga Lamanita.

    27 Subalit humayo si Alma at tumindig sa gitna nila, at pinagpayuhan sila na hindi dapat matakot, kundi kanilang alalahanin ang Panginoon nilang Diyos at kanyang ililigtas sila.

    28 Anupa’t nabawasan ang kanilang pagkatakot, at nagsimulang magsumamo sa Panginoon na kanyang palambutin ang mga puso ng mga Lamanita, nang huwag silang kitlan ng buhay ng mga ito, at ang kanilang mga asawa, at ang kanilang mga anak.

    29 At ito ay nangyari na, na pinalambot ng Panginoon ang mga puso ng mga Lamanita. At si Alma at ang kanyang mga kapatid ay humayo at isinuko ang kanilang sarili sa kanilang mga kamay; at inangkin ng mga Lamanita ang lupain ng Helam.

    30 Ngayon, ang mga hukbo ng mga Lamanita, na sumunod sa mga tao ni haring Limhi, ay nangaligaw sa ilang sa loob ng maraming araw.

    31 At masdan, kanilang natagpuan yaong mga saserdote ni haring Noe, sa isang lugar na kanilang tinatawag na Amulon; at sinimulan nilang angkinin ang lupain ng Amulon at nagsimulang bungkalin ang lupa.

    32 Ngayon, ang pangalan ng pinuno ng yaong mga saserdote ay Amulon.

    33 At ito ay nangyari na, na si Amulon ay nagmakaawa sa mga Lamanita; at kanya ring pinalapit ang kanilang mga asawa, na mga aanak na babae ng mga Lamanita, upang magmakaawa sa kanilang mga kapatid, na huwag nilang lipulin ang kanilang mga asawa.

    34 At ang mga Lamanita ay anahabag kay Amulon at sa kanyang mga kapatid, at hindi sila nilipol, dahil sa kanilang mga asawa.

    35 At umanib si Amulon at ang kanyang mga kapatid sa mga Lamanita, at naglalakbay sila sa ilang sa paghahanap sa lupain ng Nephi nang kanilang matuklasan ang lupain ng Helam, na inangkin ni Alma at ng kanyang mga kapatid.

    36 At ito ay nangyari na, na ang mga Lamanita ay nangako kay Alma at sa kanyang mga kapatid, na kung kanilang ipakikita sa kanila ang daan patungo sa lupain ng Nephi ay ipagkakaloob nila sa kanila ang kanilang mga buhay at ang kanilang kalayaan.

    37 Subalit matapos ipakita sa kanila ni Alma ang daan patungo sa lupain ng Nephi, ang mga Lamanita ay tumangging tumupad sa kanilang pangako; sa halip sila ay naglagay ng mga abantay sa palibot ng lupain ng Helam, doon kay Alma at sa kanyang mga kapatid.

    38 At ang natira sa kanila ay nagtungo sa lupain ng Nephi; at bumalik ang isang bahagi nila sa lupain ng Helam, at ipinagsama rin nila ang mga asawa at anak ng mga bantay na naiwanan sa lupain.

    39 At ang hari ng mga Lamanita ay nagpahintulot kay Amulon na siya ang maging hari at tagapamahala ng kanyang mga tao, na nasa lupain ng Helam; gayon pa man wala siyang kapangyarihang gawin ang anumang bagay na sumasalungat sa kagustuhan ng hari ng mga Lamanita.

    True