Mosiah 7
    Footnotes
    Theme

    Kabanata 7

    Natagpuan ni Ammon ang lupain ng Lehi-Nephi, kung saan si Limhi ang hari—Ang mga tao ni Limhi ay nasa pagkaalipin sa mga Lamanita—Isinalaysay ni Limhi ang kanilang kasaysayan—Nagpatotoo ang isang propeta (si Abinadi) na si Cristo ang Diyos at Ama ng lahat ng bagay—Ang mga yaong nagtanim ng karumihan ay mag-aani ng buhawi, at ang mga yaong nagbigay ng kanilang pagtitiwala sa Panginoon ay maliligtas. Mga 121 B.C.

    1 At ngayon, ito ay nangyari na, na matapos makatamasa si haring Mosias ng patuloy na kapayapaan sa loob ng tatlong taon, nagnais siyang malaman ang hinggil sa mga taong aumahon upang manirahan sa lupain ng Lehi-Nephi, o sa lunsod ng Lehi-Nephi; sapagkat ang kanyang mga tao ay walang anumang nabalitaan hinggil sa kanila mula pa noong panahong umalis sila sa lupain ng bZarahemla; samakatwid, binagabag siya ng kanilang mga panliligalig.

    2 At ito ay nangyari na, na pinahintulutan ni haring Mosias na umahon ang labing-anim sa kanilang malalakas na kalalakihan sa lupain ng Lehi-Nephi, upang magsiyasat hinggil sa kanilang mga kapatid.

    3 At ito ay nangyari na, na nagsimula silang umahon kinabukasan, kasama nila ang isang Ammon, siya na isang malakas at magiting na lalaki, at isang inapo ni Zarahemla; at siya rin ang kanilang pinuno.

    4 At ngayon, hindi nila alam kung anong landas ang kanilang tatahakin sa ilang upang makaahon sa lupain ng Lehi-Nephi; kaya nga, nagpagala-gala sila ng maraming araw sa ilang, maging sa apatnapung araw silang nagpagala-gala.

    5 At nang nakagala na sila ng apatnapung araw ay nakarating sila sa isang burol, na nasa hilaga ng lupain ng aSilom, at doon nila itinayo ang kanilang mga tolda.

    6 At ipinagsama ni Ammon ang tatlo sa kanyang mga kapatid, at ang kanilang mga pangalan ay Amaleki, Helem, at Hem, at bumaba sila sa lupain ng aNephi.

    7 At masdan, nakaharap nila ang hari ng mga tao na nasa lupain ng Nephi, at sa lupain ng Silom; at pinalibutan sila ng mga bantay ng hari, at dinakip, at iginapos, at ipinasok sa bilangguan.

    8 At ito ay nangyari na, nang ikalawang araw nila sa bilangguan ay muli silang dinala sa harapan ng hari, at ang kanilang mga gapos ay kinalag; at tumayo sila sa harapan ng hari, at pinahintulutan sila, o sa lalong maliwanag, inutusang sagutin nila ang mga katanungang kanyang itatanong sa kanila.

    9 At sinabi niya sa kanila: Masdan, ako si aLimhi, ang anak ni Noe, na anak ni Zenif, na lumisan sa lupain ng Zarahemla upang manahin ang lupaing ito, na lupain ng kanilang mga ama, na ginawang hari sa pamamagitan ng tinig ng mga tao.

    10 At ngayon, nais kong malaman ang dahilan kung bakit nangahas kayong lumapit sa mga muog ng lunsod, nang ako na rin, ay kasama ng aking mga bantay sa labas ng pintuang-bayan?

    11 At ngayon, sa dahilang ito kung kaya’t kayo ay pinahintulutan kong mabuhay, upang matanong ko kayo, kung hindi ay ipinapatay ko na sana kayo sa aking mga bantay. Pinahihintulutan kayong makapagsalita.

    12 At ngayon, nang matanto ni Ammon na siya ay pinahihintulutang makapagsalita, lumapit siya at yumukod sa harapan ng hari; at nang muling tumayo ay sinabi niya: O hari, labis akong nagpapasalamat sa Diyos sa araw na ito na nabubuhay pa ako, at pinahihintulutang makapagsalita; at mangangahas akong magsalita pa;

    13 Sapagkat ako ay nakatitiyak na kung nakikilala ninyo ako ay hindi ninyo pahihintulutang ako ay magapos. Sapagkat ako, si Ammon, ay isang inapo ni aZarahemla, at naglakbay mula sa lupain ng Zarahemla upang magsiyasat hinggil sa aming mga kapatid, na inilabas ni Zenif mula sa lupain.

    14 At ngayon, ito ay nangyari na, na matapos marinig ni Limhi ang mga salita ni Ammon, labis siyang nagalak, at sinabi: Ngayon, nalalaman ko nang may katiyakan na ang aking mga kapatid na nasa lupain ng Zarahemla ay buhay pa. At ngayon, ako ay magsasaya; at bukas ay papapangyarihin ko na ang aking mga tao ay magsaya rin.

    15 Sapagkat masdan, kami ay nasa pagkaalipin sa mga Lamanita, at anabubuwisan ng buwis na napakabigat dalhin. At ngayon, masdan, palalayain tayo ng ating mga kapatid mula sa ating pagkaalipin, o mula sa mga kamay ng mga Lamanita, at magiging mga alipin nila tayo; sapagkat higit na mabuting maging mga alipin tayo ng mga Nephita kaysa magbayad ng buwis sa hari ng mga Lamanita.

    16 At ngayon, inutusan ni haring Limhi ang kanyang mga bantay na hindi na nila dapat igapos pa si Ammon ni ang kanyang mga kapatid, kundi pinapangyari na sila ay magtungo sa burol na nasa hilaga ng Silom, at dalhin ang kanilang mga kapatid sa lunsod, nang sa gayon sila ay makakain, at makainom, at maipahinga ang kanilang sarili mula sa hirap ng kanilang paglalakbay; sapagkat maraming bagay ang kanilang dinanas; nagdanas sila ng gutom, uhaw, at pagod.

    17 At ngayon, ito ay nangyari na, na kinabukasan si haring Limhi ay nagpadala ng pahayag sa lahat ng kanyang mga tao, nang sa gayon sama-samang matipon nila ang sarili sa atemplo, upang pakinggan ang mga salitang kanyang sasabihin sa kanila.

    18 At ito ay nangyari na, nang sama-samang matipon nila ang sarili ay nangusap siya sa kanila sa ganitong pamamaraan, sinasabing: O kayo, aking mga tao, itaas ang inyong mga ulo at maaliw; sapagkat masdan, nalalapit na ang panahon, o hindi na nalalayo, na hindi na tayo masasakop pa ng ating mga kaaway, sa kabila ng marami nating pakikibaka, na nauwi sa wala; ngunit nananalig ako na mayroon pang nananatiling isang mabisang pakikibaka na magagawa.

    19 Kaya nga, itaas ang inyong mga ulo, at magsaya, at ibigay ang inyong tiwala sa aDiyos, sa yaong Diyos na Diyos ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob; at gayon din, yaong Diyos na bnaglabas sa mga anak ni Israel sa lupain ng Egipto, at pinapangyari na sila ay makalakad sa Dagat na Pula sa ibabaw ng tuyong lupa, at pinakain sila ng cmanna upang hindi sila mangasawi sa ilang; at marami pang bagay ang kanyang ginawa para sa kanila.

    20 At muli, ang yaon ding Diyos ang anaglabas sa ating mga ama sa lupain ng Jerusalem, at nag-aruga at nangalaga sa kanyang mga tao maging hanggang sa ngayon; at masdan, dahil sa ating kasamaan at mga karumal-dumal na gawain kaya tayo ay dinala niya sa pagkaalipin.

    21 At lahat kayo ay mga saksi sa araw na ito, na si Zenif, na ginawang hari ng mga taong ito, siya na naging labis na apabigla-bigla upang manahin ang lupain ng kanyang mga ama, samakatwid, dahil sa nalinlang ng katusuhan at pandaraya ni haring Laman, na nakipagkasundo kay haring Zenif, at matapos isuko sa kanyang mga kamay ang pag-aari ng isang bahagi ng lupain, o maging ang lunsod ng Lehi-Nephi, at ang lunsod ng Silom; at ang lupain sa paligid—

    22 At ang lahat ng ito ay kanyang ginawa, dahil sa natatanging layuning adalhin ang mga taong ito sa pagkalupig o pagkaalipin. At masdan, tayo sa panahong ito ay nagbabayad ng buwis sa hari ng mga Lamanita, hanggang sa kalahati ng ating mga mais, at ng ating cebada, at maging bawat uri ng lahat ng ating mga butil, at kalahati ng tubo ng ating mga kawan at bakahan; at maging kalahati ng lahat ng mayroon tayo o inaari ay sinisingil sa atin ng hari ng mga Lamanita, o ang ating mga buhay.

    23 At ngayon, hindi ba ito mabigat dalhin? At hindi ba itong ating pagdurusa ay labis? Ngayon masdan, anong laking dahilan upang tayo ay magdalamhati.

    24 Oo, sinasabi ko sa inyo, napakalaki ng mga dahilan upang tayo ay magdalamhati; sapagkat masdan kayrami na sa ating mga kapatid ang napatay, at ang kanilang dugo ay dumanak nang walang kabuluhan, at lahat ay dahil sa kasamaan.

    25 Sapagkat kung hindi sana nangahulog sa paglabag ang mga taong ito ay hindi sana pinahintulutan ng Panginoon na sumapit ang malaking kapahamakang ito sa kanila. Subalit masdan, ayaw nilang makinig sa kanyang mga salita; kundi nagkaroon ng mga alitan sa kanila, maging hanggang sa dumanak ang dugo sa kanila.

    26 At isang apropeta ng Panginoon ang kanilang pinatay; oo, isang piniling tao ng Diyos, na nagsabi sa kanila ng kanilang mga kasamaan at karumal-dumal na gawain, at nagpropesiya ng maraming bagay na mangyayari, oo, maging ang pagparito ni Cristo.

    27 At dahil sa sinabi niya sa kanila na si Cristo ang aDiyos, ang Ama ng lahat ng bagay, at sinabing bmag-aanyong tao siya, at ito ang anyo kung saan inanyo ang tao sa simula; o sa ibang mga salita, sinabi niyang nilikha ang tao na kawangis ng cDiyos, at na ang Diyos ay bababa sa mga anak ng tao, at magkakaroon siya ng laman at dugo, at hahayo sa balat ng lupa—

    28 At ngayon, dahil sa sinabi niya ito, kanilang pinatay siya; at marami pang bagay ang kanilang ginawa na nagdala ng kapootan ng Diyos sa kanila. Kaya nga, sino ang magtataka na sila ay nasa pagkaalipin, at sila nga ay binagabag ng matitinding paghihirap?

    29 Sapagkat masdan, sinabi ng Panginoon: Hindi ko atutulungan ang aking mga tao sa araw ng kanilang pagkakasala; kundi hahadlangan ko ang kanilang mga landas nang hindi sila umunlad; at ang kanilang mga gawa ay magiging isang batong katitisuran nila.

    30 At muli, sinabi niya: Kung magpupunla ng akarumihan ang aking mga tao, baanihin nila ang ipa niyon sa buhawi; at ang kahihinatnan nito ay lason.

    31 At muli sinabi niya: Kung magpupunla ng karumihan ang aking mga tao, aanihin nila ang hanging asilangan, na nagdadala ng dagliang pagkalipol.

    32 At ngayon, masdan, ang pangako ng Panginoon ay natupad, at kayo ay pinarurusahan at naghihirap.

    33 Subalit kung kayo ay ababaling sa Panginoon nang may buong layunin ng puso, at ibibigay ang tiwala ninyo sa kanya, at paglilingkuran siya nang buong pagsusumigasig ng pag-iisip, kung gagawin ninyo ito, siya, alinsunod sa kanyang sariling kalooban at kagalakan, ay palalayain kayo mula sa pagkaalipin.

    True