Mosiah 21
    Footnotes
    Theme

    Kabanata 21

    Ang mga tao ni Limhi ay pinahirapan at tinalo ng mga Lamanita—Nakasalubong ng mga tao ni Limhi si Ammon at nagbalik-loob—Sinabi nila kay Ammon ang tungkol sa dalawampu’t apat na mga lamina ng mga Jaredita. Mga 122–121 B.C.

    1 At ito ay nangyari na, na si Limhi at ang kanyang mga tao ay bumalik sa lunsod ng Nephi, at muling nagsimulang mamuhay sa lupain nang mapayapa.

    2 At ito ay nangyari na, na matapos ang maraming araw, ang mga Lamanita ay nagsimulang muling mapukaw sa galit laban sa mga Nephita, at nagsimula silang magtungo sa palibot ng mga hangganan ng lupain.

    3 Ngayon, hindi sila nagtatangkang patayin sila, dahil sa sumpang ginawa ng kanilang hari kay Limhi; subalit kanilang sinasampal sila sa kanilang mga apisngi, at gumagamit ng kapangyarihan sa kanila; at nagsimulang magpataw ng mabibigat na bpasanin sa kanilang mga likod, at itinataboy silang tulad ng isang maamong asno—

    4 Oo, ang lahat ng ito ay naganap upang maisakatuparan ang salita ng Panginoon.

    5 At ngayon, labis ang pagdurusa ng mga Nephita, at walang paraan upang mapalaya nila ang sarili sa kanilang mga kamay, sapagkat napalilibutan sila ng mga Lamanita sa lahat ng panig.

    6 At ito ay nangyari na, na ang mga tao ay nagsimulang bumulung-bulong sa hari dahil sa kanilang mga paghihirap; at nagsimula silang maghangad na humayo laban sa kanila sa pakikidigma. At labis nilang binagabag ang hari ng kanilang mga daing; kaya nga, pinahintulutan niya silang gawin ang alinsunod sa kanilang mga naisin.

    7 At muli nilang kinalap ang kanilang sarili, at isinuot ang kanilang baluti, at humayo laban sa mga Lamanita upang itaboy silang palabas ng kanilang lupain.

    8 At ito ay nangyari na, na tinalo sila ng mga Lamanita, at naitaboy silang pabalik, at napatay ang marami sa kanila.

    9 At ngayon, nagkaroon ng labis na apagdadalamhati at pananaghoy sa mga tao ni Limhi, ang balong babae ay nagdadalamhati dahil sa kanyang asawa, ang anak na lalaki at anak na babae ay nagdadalamhati dahil sa kanilang ama, at ang mga kapatid na lalaki dahil sa kanilang mga kapatid.

    10 Ngayon, nagkaroon ng napakaraming balo sa lupain, at nagpalahaw sila nang labis sa araw-araw, sapagkat nagkaroon sila ng labis na pagkatakot sa mga Lamanita.

    11 At ito ay nangyari na, na ang kanilang patuloy na pagpalahaw ay pumukaw sa mga nalalabing tao ni Limhi na magalit laban sa mga Lamanita; at muli silang nakidigma, subalit muli silang naitaboy pabalik, na nagdusa ng malaking kawalan.

    12 Oo, muli silang nakidigma, maging sa ikatlong pagkakataon, at nagdusa sa gayon ding paraan; at yaong mga hindi napatay ay muling bumalik sa lunsod ng Nephi.

    13 At nagpakumbaba sila ng kanilang sarili maging hanggang sa alabok, ipinaubaya ang kanilang sarili sa singkaw ng pagkaalipin, ipinaubaya ang kanilang sarili na hampasin, at maitaboy nang paroo’t parito, at pahirapan, alinsunod sa naisin ng kanilang mga kaaway.

    14 At anagpakumbaba sila ng kanilang sarili maging sa kailaliman ng pagpapakumbaba; at mataimtim silang nagsumamo sa Diyos; oo, maging sa buong maghapon sila ay nagsumamo sa kanilang Diyos na kanya silang hanguin mula sa kanilang mga paghihirap.

    15 At ngayon, ang Panginoon ay amabagal sa pakikinig sa kanilang pagsusumamo dahil sa kanilang mga kasamaan; gayon pa man, dininig ng Panginoon ang kanilang pagsusumamo, at nagsimulang palambutin ang mga puso ng mga Lamanita kung kaya’t nagsimula nilang pagaanin ang kanilang mga pasanin; gayon man hindi pa minarapat ng Panginoon na palayain sila mula sa pagkaalipin.

    16 At ito ay nangyari na, na nagsimula silang unti-unting umunlad sa lupain, at nagsimula silang magtanim ng higit na maraming butil, at mga kawan ng tupa, at mga baka, kung kaya’t hindi sila nagdusa ng gutom.

    17 Ngayon may malaking bilang ang kababaihan, higit pa sa kalalakihan; kaya nga, nag-utos si haring Limhi na bawat lalaki ay nararapat amagbahagi para sa panustos ng mga bbalo at kanilang mga anak, upang hindi sila mamatay sa gutom; at kanila itong ginawa dahil sa kalakihan ng bilang ng mga napatay.

    18 Ngayon, ang mga tao ni Limhi ay nanatiling magkakasama sa iisang pangkat hangga’t maaari, at pinangalagaan ang kanilang mga butil at kanilang mga kawan;

    19 At ang hari rin ay hindi nagtiwala sa kanyang sarili sa labas ng mga muog ng lunsod, maliban kung kasama niya ang kanyang mga bantay, nangangamba na baka sa alinmang kaparaanan ay mahulog siya sa mga kamay ng mga Lamanita.

    20 At pinapangyari niya na ang kanyang mga tao ay magbantay sa palibot ng lupain, upang sa alinmang kaparaanan ay madakip nila yaong mga saserdoteng tumakas patungo sa ilang, na siyang dumukot sa mga aanak na babae ng mga Lamanita, at naging dahilan upang sumapit sa kanila ang gayon kalaking pagkawasak.

    21 Sapagkat sila ay nagnais na madakip sila upang kanila silang maparusahan; sapagkat nagtutungo sila sa lupain ng Nephi sa gabi, at tinatangay ang kanilang mga butil at marami sa kanilang mahahalagang bagay; anupa’t sila ay nag-abang sa kanila.

    22 At ito ay nangyari na, na wala nang kaguluhang namagitan sa mga Lamanita at sa mga tao ni Limhi, maging hanggang sa panahong si aAmmon at ang kanyang mga kapatid ay dumating sa lupain.

    23 At ang hari na nasa labas ng pintuang-bayan ng lunsod kasama ang kanyang mga bantay, ay natagpuan si Ammon at ang kanyang mga kapatid; at sa pag-aakalang sila ang mga saserdote ni Noe, kaya nga, kanyang pinapangyari na sila ay dakpin, at igapos, at itapon sa abilangguan. At kung sila nga ang mga saserdote ni Noe ay kanya sanang ipinag-utos na sila ay patayin.

    24 Subalit nang malaman niya na hindi sila yaon, kundi sila ang kanyang mga kapatid, at nagmula sa lupain ng Zarahemla, siya ay napuspos ng labis na kagalakan.

    25 Ngayon nagpadala si haring Limhi, bago pa ang pagdating ni Ammon, ng amaliit na bilang ng kalalakihan upang bhanapin ang lupain ng Zarahemla; subalit hindi nila ito matagpuan, at nangaligaw sila sa ilang.

    26 Gayon pa man, sila ay nakatuklas ng isang lupain na natirahan ng mga tao; oo, isang lupaing nababalot ng mga tuyong abuto; oo, isang lupaing natirahan ng mga tao at mga nalipol; at sila, sa pag-aakalang ito ang lupain ng Zarahemla, ay nagbalik sa lupain ng Nephi, na nakarating sa mga hangganan ng lupain mga ilang araw bago ang pagdating ni Ammon.

    27 At sila ay may dalang isang talaan, maging ang talaan ng mga tao na ang mga buto ay kanilang natagpuan; at ito ay nauukit sa mga lamina ng inang mina.

    28 At ngayon, si Limhi ay muling napuspos ng kagalakan sa pagkakaalam mula sa bibig ni Ammon na si haring Mosias ay may isang akaloob mula sa Diyos, upang kanyang maipaliwanag ang gayong mga nakaukit; oo, at si Ammon ay nagsaya rin.

    29 Gayon man, si Ammon at ang kanyang mga kapatid ay napuspos ng kalungkutan sapagkat napakarami sa kanilang mga kapatid ang napatay;

    30 At gayon din na si haring Noe at ang kanyang mga saserdote ay naging dahilan upang ang mga tao ay makagawa ng maraming kasalanan at kasamaan laban sa Diyos; at sila rin ay nagdalamhati dahil sa apagkamatay ni Abinadi; at gayon din sa bpaglisan ni Alma at ng mga taong sumama sa kanya, na nagtayo ng isang simbahan ng Diyos sa pamamagitan ng lakas at kapangyarihan ng Diyos, at pananampalataya sa mga salitang sinabi ni Abinadi.

    31 Oo, nagdalamhati sila dahil sa kanilang paglisan, sapagkat hindi nila nalalaman kung saan sila nagtungo. Ngayon, sila sana ay magagalak na sumama sa kanila, sapagkat sila rin ay nakipagtipan sa Diyos na paglilingkuran siya at susundin ang kanyang mga kautusan.

    32 At ngayon, simula ng pagdating ni Ammon, si haring Limhi ay nakipagtipan din sa Diyos, at gayon din ang marami sa kanyang mga tao, na paglilingkuran siya at susundin ang kanyang mga kautusan.

    33 At ito ay nangyari na, na si haring Limhi at marami sa kanyang mga tao ay nagnais na mabinyagan; subalit walang sinuman sa lupain ang may akarapatan mula sa Diyos. At si Ammon ay tumangging gawin ang bagay na ito, ipinalalagay ang kanyang sarili na isang hindi karapat-dapat na tagapaglingkod.

    34 Samakatwid, sa panahong yaon ay hindi pa nila binuo ang kanilang sarili sa isang simbahan, naghihintay sa Espiritu ng Panginoon. Ngayon, sila ay nagnais na maging katulad ni Alma at ng kanyang mga kapatid, na nagsitakas patungo sa ilang.

    35 Sila ay nagnais na mabinyagan bilang saksi at bilang patotoo na sila ay nahahandang paglingkuran ang Diyos ng kanilang buong puso; gayon pa man, pinagpaliban nila ang panahon; at ang ulat ng kanilang binyag ay aibibigay pagkaraan nito.

    36 At ngayon, lahat ng pag-aaral ni Ammon at ng kanyang mga tao, at ni haring Limhi at ng kanyang mga tao, ay mapalaya ang kanilang sarili mula sa mga kamay ng mga Lamanita at mula sa pagkaalipin.