Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Natanggap nina Joseph at Oliver ang mga Susi ng Priesthood


“Natanggap nina Joseph at Oliver ang mga Susi ng Priesthood,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)

“Natanggap nina Joseph at Oliver ang mga Susi ng Priesthood,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan

Abril 1836

2:33

Natanggap nina Joseph at Oliver ang mga Susi ng Priesthood

Binisita ni Jesucristo at ng mga anghel ang Kirtland Temple

Ipinapasa ni Joseph Smith ang sakramento sa mga Banal sa Kirtland Temple.

Isang linggo matapos ilaan ang Kirtland Temple, isang libong Banal ang nagtipon sa templo upang sambahin ang Tagapagligtas. Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay noon. Sina Joseph Smith, Oliver Cowdery, at ang Labindalawang Apostol ay nagbigay ng sakramento sa mga Banal.

Doktrina at mga Tipan 110, section heading; Mga Banal, 1:274

Sina Joseph Smith at Oliver Cowdery na nagdarasal sa loob ng Kirtland Temple.

Pagkatapos ng sakramento, nakahanap sina Joseph at Oliver ng tahimik na dako sa templo, sa likod ng kurtina, para manalangin.

Doktrina at mga Tipan 110, section heading; Mga Banal, 1:274

Nagpakita si Jesucristo kina Joseph at Oliver.

Nang matapos silang manalangin, tumingala sila. Si Jesucristo ay nakatayo sa harap nila! Alam Niya na pinaghirapan ng mga Banal na itayo ang templo. “Tinanggap ko ang bahay na ito,” sabi Niya. Sinabi ni Jesus kina Joseph at Oliver na magdudulot ng malaking kagalakan sa maraming tao ang mga pagpapala ng templo.

Doktrina at mga Tipan 110:1–10

Nagpakita si Moises kina Joseph at Oliver.

Pagkaalis ni Jesus, nagpakita ang propetang si Moises ng Lumang Tipan kina Joseph at Oliver. Ibinigay niya sa kanila ang mga susi ng priesthood sa pagtitipon ng Israel. Ibig sabihin nito, maaari nilang pamunuan ang gawain ng pagbabahagi ng ebanghelyo. Maaari silang magpadala ng mga missionary sa iba’t ibang panig ng mundo upang dalhin ang mga tao sa Simbahan ng Tagapagligtas.

Doktrina at mga Tipan 110:11

Nagpakita si Elias kina Joseph at Oliver.

Pagkatapos, nagpakita ang propetang si Elias. Ibinigay niya kina Joseph at Oliver ang mga susi sa pagpapanumbalik ng tipang Abraham. Ibig sabihin nito, matatanggap ng mga Banal mula sa Panginoon ang tipang natanggap ni Abraham. Magkakaroon sila ng kakayahang ihatid ang ebanghelyo at ang mga pagpapala ng Diyos sa mga tao sa lahat ng dako sa loob ng maraming taong darating.

Doktrina at mga Tipan 110:12

Nagpakita si Elijah kina Joseph at Oliver.

Sa huli, nagpakita ang propetang si Elijah. Ibinigay niya kina Joseph at Oliver ang mga susi ng priesthood para ibuklod, o pag-isahin, ang mga pamilya hanggang sa kawalang-hanggan. Ang gawaing isinasagawa ng mga Banal sa mga templo ay tatanggapin sa langit. Ngayon, ang Simbahan ay may kapangyarihang isagawa ang gawain ng Tagapagligtas at maghanda para sa Kanyang muling pagparito sa lupa.

Doktrina at mga Tipan 110:13–16