Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Nalaman nina Joseph at Sidney ang tungkol sa Langit


“Nalaman nina Joseph at Sidney ang tungkol sa Langit,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)

“Nalaman nina Joseph at Sidney ang tungkol sa Langit,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan

Pebrero 1832

3:1

Nalaman nina Joseph at Sidney ang tungkol sa Langit

Isang pangitain tungkol sa mga pagpapala ng Diyos para sa Kanyang mga anak

Sina Joseph Smith at Sidney Rigdon na nagbabasa at nag-uusap tungkol sa Biblia.

Isang araw, binabasa nina Joseph Smith at Sidney Rigdon ang Biblia. Nabasa nila ang nangyayari sa mga tao pagkatapos nilang mamatay. Pinag-isipan nina Joseph at Sidney ang nabasa nila, at gusto nilang malaman pa ang tungkol dito.

Doktrina at mga Tipan 76:11–18

Sina Joseph at Sidney na nagkaroon ng pangitain tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo na napapaligiran ng mga anghel.

Binigyan sila ng Panginoon ng isang kamangha-manghang pangitain. Nakita nila ang Ama sa Langit at si Jesucristo na napapaligiran ng mga anghel. Narinig nila ang isang tinig na nagsasabi na si Jesus ang Anak ng Diyos. Sinabi ng tinig na si Jesus ay namatay para sa atin at pagkatapos ay nabuhay na mag-uli—Siya ay nabuhay na muli. Dahil Siya ay muling nabuhay, mabubuhay din tayong muli.

Doktrina at mga Tipan 76:19–24, 39–43

Sina Joseph at Sidney na nagkaroon ng pangitain tungkol sa kahariang telestiyal.

Nalaman nina Joseph at Sidney na matapos tayong mabuhay na mag-uli, mabubuhay tayo sa isa sa tatlong lugar sa langit, na tinatawag na mga kaharian. Ang mga taong hindi tinanggap ang ebanghelyo ni Jesucristo ay pupunta sa kahariang telestiyal. Inihambing ng Panginoon ang kahariang ito sa liwanag ng mga bituin.

Doktrina at mga Tipan 76:81–86

Sina Joseph at Sidney na nagkaroon ng pangitain tungkol sa kahariang terestriyal.

Nalaman din nina Joseph at Sidney ang tungkol sa isang kaharian na tinatawag na kahariang terestriyal. Ang kahariang ito ay para sa mga taong namumuhay nang mabuti ngunit hindi lubos na sumusunod sa ebanghelyo ni Jesucristo. Hindi malakas ang pananampalataya nila sa Kanya. Inihambing ng Panginoon ang kahariang ito sa liwanag ng buwan.

Doktrina at mga Tipan 76:71–80

Sina Joseph at Sidney Smith na nagkaroon ng pangitain tungkol sa kahariang selestiyal.

Ang pinakamataas na kaharian ay ang kahariang selestiyal. Ang mga tao sa kahariang ito ay gumawa ng mga tipan, o pangako, sa Diyos at tinupad ang kanilang mga tipan. Sila ay nagsisi at sumunod kay Jesucristo. Mabubuhay sila kasama ang Ama sa Langit at si Jesus magpakailanman at magiging katulad Nila. Inihambing ng Panginoon ang kahariang ito sa liwanag ng araw.

Doktrina at mga Tipan 76:50–70

Isinusulat ni Sidney ang tungkol sa pangitain.

Sinabi ng Panginoon kina Joseph at Sidney na huwag ibahagi ang lahat ng nakita nila sa kanilang pangitain. Ngunit nais Niya na isulat nila ang ilan dito at ibahagi ito sa iba. Maraming miyembro ng Simbahan ang sabik na sabihin sa mga tao ang tungkol sa pangitain.

Doktrina at mga Tipan 76:113–119; Mga Banal, 1:168–71

Binabasa ng mga tao ang salaysay tungkol sa pangitain.

May mga tao na ayaw sa pangitain. Iba ito sa pinaniniwalaan nila. Ngunit karamihan sa mga Banal ay nagpapasalamat na nalaman nila ang tungkol sa paghahayag na ito. Ipinakita nito sa kanila na mahal ng Ama sa Langit ang Kanyang mga anak at gumawa Siya ng paraan para makabalik sila sa Kanya.

Mga Banal, 1:171