“Ibinahagi ni Samuel Smith ang Aklat ni Mormon,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)
“Ibinahagi ni Samuel Smith ang Aklat ni Mormon,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan
1830–1832
Ibinahagi ni Samuel Smith ang Aklat ni Mormon
Maraming buhay ang pinagpapala ng isang aklat
Tinawag ng Panginoon sa misyon si Samuel Smith, nakababatang kapatid ni Joseph, upang ibahagi ang ebanghelyo. Nakilala ni Samuel sina John at Rhoda Greene at sinabi sa kanila ang tungkol sa Aklat ni Mormon. Si John ay isang mangangaral sa ibang simbahan. Sinabi niya na kukuha siya ng isang kopya ng aklat at titingnan niya kung may gustong magbasa nito sa kanilang simbahan.
Mga Banal, 1:113
Pagkaraan ng ilang buwan, bumalik si Samuel. Sinabi ni Rhoda na walang makita ang kanyang asawa na gustong magbasa ng Aklat ni Mormon. Ibinalik niya ito kay Samuel.
Mga Banal, 1:113
Nalungkot si Samuel. Tumalikod siya para umalis, pero pinigilan siya ni Rhoda. Sinabi niya na nabasa niya ang Aklat ni Mormon, at nagustuhan niya ito.
Mga Banal, 1:113
Sinabi ng Espiritu Santo kay Samuel na ibalik ang aklat kay Rhoda. “Hilingin mo sa Diyos na bigyan ka ng patotoo,” sabi ni Samuel sa kanya. Itinuro niya kay Rhoda ang tungkol sa Espiritu Santo at kung paano nito malalaman na ang Aklat ni Mormon ay totoo.
Moroni 10:3–5; Mga Banal, 1:114
Umuwi si Samuel mula sa kanyang misyon. Wala siyang nabinyagan, at iilan lang ang interesado sa Aklat ni Mormon.
Nagdasal sina Rhoda at John, at sinabi sa kanila ng Espiritu Santo na totoo ang Aklat ni Mormon. Pagkatapos ay ibinahagi ni Rhoda ang aklat sa kanyang kapatid na si Brigham Young.
Mga Banal, 1:114
Si Brigham at ang kanyang kaibigang si Heber Kimball ay matagal nang naghahanap ng totoong Simbahan ni Jesus. Binasa nila ang Aklat ni Mormon. Halos dalawang taon nilang pinag-aralan at ipinagdasal ang ebanghelyo ni Jesucristo.
Sa panahong ito, nagpunta sina Brigham at Heber sa mga miting ng Simbahan kasama ang kanilang pamilya. Sa isa sa mga miting na ito, narinig ni Brigham ang isang missionary na nagbahagi ng kanyang patotoo. Ang missionary ay hindi mahusay magsalita, pero nadama ni Brigham ang Espiritu Santo habang nagsasalita ito. Alam ni Brigham na nagsasabi ito ng totoo.
Sina Brigham, Heber, at ang kanilang mga asawang sina Miriam at Vilate ay nabinyagan. Mahal nila ang Tagapagligtas at ang Kanyang ebanghelyo. Pagkaraan ng ilang taon, tinawag ng Panginoon sina Brigham at Heber na maging Kanyang mga Apostol at magmisyon. Dahil ibinahagi ni Samuel ang Aklat ni Mormon, maraming tao ang sumapi sa Simbahan ng Tagapagligtas.
Doktrina at mga Tipan 124:127–29; 126; Mga Banal, 1:248–49