Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Word of Wisdom


“Ang Word of Wisdom,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)

“Ang Word of Wisdom,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan

Pebrero 1833

2:56

Ang Word of Wisdom

Ang batas ng Panginoon sa kalusugan

Isang pulong ng Paaralan ng mga Propeta.

Inanyayahan ni Joseph Smith ang ilang kalalakihan sa Simbahan na magkaroon ng mga pulong sa itaas na palapag ng tindahan nina Newel at Ann Whitney. Doon nila natutuhan ang ebanghelyo at iba pang mga paksa, at nagdarasal sila bilang isang grupo. Tinawag nila ang mga pulong na ito na Paaralan ng mga Propeta.

Doktrina at mga Tipan 88:117–137; Mga Banal, 1:190

Si Emma Smith na naglilinis pagkatapos ng pulong.

Marami sa mga lalaki ang naninigarilyo at ngumunguya ng tabako sa oras ng lesson. Ang silid ay naging mausok, at ang mga nginuyang tabako ay nagkalat sa sahig. Pagkatapos ng mga pulong, umaakyat si Emma Smith para linisin ang silid. Napakarumi nito!

Mga Banal, 1:191

Kinakausap ni Emma si Joseph.

Paulit-ulit na kinuskos ni Emma ang sahig, ngunit hindi maalis ang mga mantsa ng tabako. Kinausap niya si Joseph tungkol sa karumihang ito.

Mga Banal, 1:191

Si Joseph na nakikinig kay Emma.

Nakinig si Joseph kay Emma. Nang marinig niya ang sinabi ni Emma, napaisip siya kung ano ang saloobin ng Panginoon tungkol sa tabako.

Mga Banal, 1:191–92

Si Joseph na nagdarasal na patnubayan siya.

Kaya tinanong ni Joseph ang Panginoon tungkol sa tabako. Sinabi ng Panginoon kay Joseph na may Word of Wisdom Siya para sa mga Banal.

Doktrina at mga Tipan 89:1–9; Mga Banal, 1:192

Pinag-uusapan nina Joseph at Emma ang paghahayag na natanggap niya.

Sinabi ng Panginoon na ang mga Banal ay hindi dapat manigarilyo, gumamit ng tabako, o uminom ng alak o “maiinit na inumin,” na nangangahulugang kape at tsaa.

Doktrina at mga Tipan 89:1–9; Mga Banal, 1:192

Sina Joseph at Emma na nagbabahagi ng pagkain sa iba.

Itinuro din ng Panginoon sa mga Banal na ang mga butil at prutas ay masustansyang kainin. Sinabi Niya rin na maaari silang kumain ng karne paminsan-minsan.

Doktrina at mga Tipan 89:10–17; Mga Banal, 1:192

Ibinabahagi ni Joseph ang Word of Wisdom sa Paaralan ng mga Propeta.

Sinabi ng Panginoon kay Joseph na ang mga Banal na pinipiling sumunod sa Kanyang Word of Wisdom ay mapoprotektahan. Nangako ang Panginoon na pagpapalain sila ng kalusugan, kaalaman, at lakas. Sinabi ni Joseph sa kalalakihan sa Paaralan ng mga Propeta ang tungkol sa Word of Wisdom ng Panginoon.

Doktrina at mga Tipan 89:18–21; Mga Banal, 1:192

Inihahagis ng mga lalaki ang kanilang tabako at pipa sa apoy.

Inihagis ng mga lalaki sa silid ang kanilang tabako at pipa sa apoy upang ipakita na gusto nilang sundin ang Word of Wisdom ng Panginoon.

Mga Banal, 1:193