Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Simbahan ni Jesucristo ay Inorganisa


“Ang Simbahan ni Jesucristo ay Inorganisa,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)

“Ang Simbahan ni Jesucristo ay Inorganisa,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan

Abril 1830

2:37

Ang Simbahan ni Jesucristo ay Inorganisa

Isang masayang pulong sa Simbahan

Masayang binabati ni Joseph Smith ang mga tao sa tahanan ng mga Whitmer para sa unang pulong ng Simbahan.

Ang Aklat ni Mormon ay nalimbag na ngayon, at ang kapangyarihan ng priesthood ng Diyos ay narito nang muli sa lupa. Sinabi ng Panginoon kay Joseph Smith na panahon na para iorganisa ang Simbahan ni Jesucristo.

Mga Banal, 1:97

Itinataas ng mga tao ang kanilang mga kamay para sang-ayunan sina Joseph at Oliver bilang mga lider ng Simbahan.

Noong Abril 6, 1830, mga 40 kababaihan at kalalakihan ang nagpunta sa tahanan ng pamilya Whitmer para iorganisa ang Simbahan. Tinawag ng Panginoon sina Joseph at Oliver na pamunuan ang Kanyang Simbahan. Hiniling nina Joseph at Oliver sa mga tao na itaas ang kanilang mga kamay upang ipakita na sinasang-ayunan nila sila bilang kanilang mga lider.

Doktrina at mga Tipan 20:1–3; Mga Banal, 1:97

Ang mga bagong miyembro ng Simbahan ay masaya na makatanggap ng sakramento.

Kasunod nito, binasbasan nina Joseph at Oliver ang sakramento. Ibinigay nila ito sa mga tao upang tulungan silang alalahanin si Jesucristo. Pagkatapos ay ipinatong nina Joseph at Oliver ang kanilang mga kamay sa ulo ng mga nabinyagan. Kinumpirma nila sila na mga miyembro ng Simbahan at ibinigay sa kanila ang kaloob na Espiritu Santo.

Doktrina at mga Tipan 20:75–79; Mga Banal, 1:97

Tinuturuan ni Joseph ang mga bagong miyembro ng Simbahan.

Binigyan ng Panginoon si Joseph ng mensahe para sa bagong Simbahan. Sinabi Niya sa kanila na isulat ang nangyari sa Simbahan. Sinabi Niya na si Joseph Smith ay Kanyang propeta. Nangako Siya sa mga miyembro ng Simbahan na kung susundin nila ang mga kautusan na ibinigay Niya kay Joseph, pagpapalain Niya sila. Hindi magkakaroon ng kapangyarihan ang diyablo sa kanila.

Doktrina at mga Tipan 21:1–6; Mga Banal, 1:98

Si Joseph Smith at ang kanyang ama na magkayakap.

Tuwang-tuwa ang mga tao na magkaroon ng Simbahan ni Jesucristo! Pagkatapos ng pulong, mas maraming tao ang nabinyagan, kabilang na ang ina at ama ni Joseph. Nang umahon ang kanyang ama mula sa tubig, niyakap siya ni Joseph nang mahigpit. “Nakita ko pang mabinyagan ang aking ama sa tunay na simbahan ni Jesucristo!” sabi niya.

Mga Banal, 1:98

Lubos na nagpapasalamat si Joseph na nakatulong siya sa pagpapanumbalik ng Simbahan.

Nang gabing iyon, nagpunta si Joseph sa kakahuyan para mapag-isa. Labis ang kagalakan niya. Sampung taon na ang nakalipas mula nang una niyang makita ang Ama sa Langit at si Jesucristo. Napakarami nang nangyari mula noon. Lubos na nagpasalamat si Joseph na nakatulong siya na maibalik ang Simbahan ni Jesucristo!

Mga Banal, 1:98