Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Isang Araw ng Pagpapagaling


“Isang Araw ng Pagpapagaling” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)

“Isang Araw ng Pagpapagaling,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan

Abril–Hulyo 1839

3:23

Isang Araw ng Pagpapagaling

Pagbabasbas sa maysakit sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos

Isang bantay sa bilangguan na nakikipag-usap kay Joseph Smith.

Habang si Joseph Smith at iba pang mga lider ng Simbahan ay nakabilanggo sa Missouri, dinala sila ng ilang bantay sa ibang bilangguan. Mabait ang mga bantay sa mga bilanggo. Isang gabi, sinabi ng pinuno ng mga bantay kay Joseph na matutulog na siya, at kung tatakas si Joseph at ang kanyang mga kaibigan, hindi niya sila pipigilan.

Mga Banal, 1:448–449

Si Joseph na sinasalubong ang kanyang pamilya.

Tumakas nga si Joseph at ang iba pang mga lider ng Simbahan. Natagpuan nila ang kanilang mga pamilya na nanirahan sa isang bayan na tinatawag na Quincy.

Mga Banal, 1:451–52

Mga taong nagbibigay ng pagkain at lugar na matutuluyan sa mga Banal.

Ang mga tao sa Quincy ay mabait sa mga Banal. Binigyan nila ang mga Banal ng pagkain at damit at lugar na matutuluyan.

Mga Banal, 1:432

Mga Banal na nagsisimulang magtayo ng Nauvoo.

Nagpasalamat ang mga Banal sa kabaitan ng mga tao sa Quincy. Ngunit alam ni Joseph na kailangang may sarili silang lugar na titirhan. Bumili ang mga lider ng Simbahan ng ilang lupain na hindi gusto ng iba, at nagsimulang lumipat doon ang mga Banal.

Mga Banal, 1:455–57

Isang babaeng nag-aalaga ng isa pang babaeng may malaria.

Ang lupain ay malapit sa isang malaking ilog. Ito ay basa at maputik at puno ng lamok. Dahil sa mga lamok, marami sa mga Banal ang malubhang nagkasakit ng malaria. Namatay ang ilan sa kanila.

Mga Banal, 1:458–59

Sina Joseph Smith at Wilford Woodruff na nagbibigay ng basbas ng priesthood sa isang batang maysakit.

Nang makita ni Joseph na napakaraming tao ang may sakit, tinipon niya ang ilang lider ng Simbahan at hiniling sa kanila na sumama sa kanya. Buong umaga silang nagpunta sa bawat pamilya, bumibisita sa mga maysakit at binabasbasan sila. Ginamit nila ang kapangyarihan ni Jesucristo upang pagalingin sila sa kanilang karamdaman.

Mga Banal, 1:458–59

Kinakausap ni Joseph si Elijah Fordham.

Isa sa binisita nila ay si Elijah Fordham. Napakalubha niya, inakala ng asawa niya na mamamatay na siya. Tinanong ni Joseph si Elijah kung may pananampalataya siya na gumaling.

Mga Banal, 1:458–59

Sinasabi ni Elijah kay Joseph na may pananampalataya siya na gumaling.

Sabi ni Elijah, “Palagay ko ay huli na ang lahat.” Tinanong ni Joseph si Elijah kung naniniwala siya kay Jesucristo. “Naniniwala ako, Brother Joseph,” sagot niya.

Mga Banal, 1:458–59

Tumayo si Elijah matapos matanggap ang basbas ng priesthood.

Binasbasan siya ni Joseph sa pangalan ni Jesucristo. Tumayo si Elijah. Pinagaling siya ni Jesus! Pagkatapos ay sinundan ni Elijah si Joseph sa kabilang bahay at tinulungan ito na basbasan ang iba pang mga taong maysakit.

Mga Banal, 1:458–59