“Si Hiram Page at Paghahayag,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)
“Si Hiram Page at Paghahayag,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan
Setyembre 1830
Si Hiram Page at Paghahayag
Natutuhan ng mga Banal kung paano ginagabayan ng Diyos ang Kanyang Simbahan
Si Hiram Page ay kaibigan nina Joseph Smith at Oliver Cowdery. Isa rin siya sa walong saksi sa mga laminang ginto. May bato si Hiram, at naniwala siya na ginagamit ito ng Diyos upang bigyan siya ng mga mensahe, o mga paghahayag, para sa Simbahan. Naniwala si Oliver at ang iba pang mga Banal na ang mga paghahayag ni Hiram ay nagmula sa Diyos.
Doktrina at mga Tipan 28, section heading; Mga Banal, 1:111
Ang mga paghahayag ni Hiram ay parang mga banal na kasulatan. Pero iba ang mga ito sa itinuturo ng Biblia. Iba rin ang mga ito sa sinabi ng Panginoon kay Propetang Joseph. Hindi sigurado si Joseph sa dapat niyang gawin.
Mga Banal, 1:111
Halos buong magdamag na gising si Joseph at humingi ng tulong sa Diyos. Nag-alala siya na mali ang magawa niya at masaktan ang damdamin ng kanyang mga kaibigan.
Mga Banal, 1:111
Gusto ni Joseph na humingi ng paghahayag ang mga tao para sa kanilang sariling buhay. Pero nakalilito kung lahat ay magsisikap na makakuha ng paghahayag para sa buong Simbahan.
Mga Banal, 1:111
Sa huli, binigyan ng Panginoon si Joseph ng paghahayag na maibabahagi kay Oliver. Sinabi ng Panginoon na ang propeta lamang ang makatatanggap ng paghahayag at mga kautusan para sa buong Simbahan. Sinabi Niya na dapat itong ituro ni Oliver kay Hiram.
Doktrina at mga Tipan 28:2, 6–13
Nais ng Panginoon na maunawaan ni Hiram na makatatanggap siya ng paghahayag para sa kanyang sariling buhay. Pero ang paghahayag para sa Simbahan ay darating sa propeta ng Panginoon. Nakinig si Hiram kay Oliver at nagsisi. Mas naunawaan na ngayon ng mga Banal kung paano ginagabayan ng Panginoon ang Kanyang Simbahan.
Mga Banal, 1:112