“Ang Pamilya Yanagida,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)
“Ang Pamilya Yanagida,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan
1950–1951
Ang Pamilya Yanagida
Ikapu at pananampalataya kay Jesucristo
Sina Toshiko at Tokichi Yanagida ay nakatira sa Japan. Naniwala sila kay Jesucristo at sumapi sa Kanyang Simbahan. Ngunit mahirap ang buhay sa Japan noong mga panahong iyon. Maraming bahay at gusali ang nawasak ng digmaan. Nais nina Toshiko at Tokichi na magtayo ng bahay para sa kanilang pamilya, ngunit napakahirap nila.
Mga Banal, 3:670
Alam ng mga Yanagida na nais ng Panginoon na magbayad sila ng ikapu, ngunit hindi sila sigurado kung kaya nila. Tinanong ni Toshiko ang isang missionary kung ano ang dapat nilang gawin. “Napakahirap para sa amin ang magbayad ng ikapu,” sabi niya. Nangako ang missionary na kung magbabayad sila ng kanilang ikapu, tutulungan sila ng Panginoon na makamit ang kanilang mithiin na magkaroon ng sariling bahay.
Doktrina at mga Tipan 119; Mga Banal, 3:671–72
Hindi sigurado sina Toshiko at Tokichi. Halos wala silang sapat na pera para pambili ng pagkain sa tanghalian ng kanilang anak sa paaralan. Pero nagpasiya silang magtiwala sa Panginoon at magbayad ng ikapu.
Mga Banal, 3:671–72
Pinagpala ng Panginoon ang pamilya Yanagida. Hindi nagtagal ay nakabili sila ng lote at nagsimulang magtayo ng bahay.
Mga Banal, 3:672
Isang araw, dumating ang isang inspektor. May problema daw sa kanilang lote, at hindi sila maaaring magtayo ng bahay roon. Pinahinto nito ang mga trabahador.
Mga Banal, 3:672
Nalungkot nang labis ang mga Yanagida. Ikinuwento nila sa mga missionary ang nangyari. Sinabi ng mga missionary na mag-aayuno at magdarasal sila kasama ng mga Yanagida.
Mga Banal, 3:673
Kalaunan, dumating ang isa pang inspektor. Sinabi nito na maaayos ang problema sa kanilang lote. Maitatayo ng mga Yanagida ang kanilang bahay. “Siguro may nagawa kayong mabuti,” sabi ng inspektor kina Toshiko at Tokichi. Alam nila na pinagpala sila ng Panginoon. Masaya sila na nagtiwala sila sa Kanya at nagbayad ng ikapu.
Mga Banal, 3:673