“Nalaman ng mga Banal ang tungkol sa Binyag para sa mga Patay,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)
“Nalaman ng mga Banal ang tungkol sa Binyag para sa mga Patay,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan
Agosto–Oktubre 1840
Nalaman ng mga Banal ang tungkol sa Binyag para sa mga Patay
Pag-asa para sa mga kapamilya na hindi nabinyagan
Si Jane Neyman ay nakatira sa Nauvoo. Nagpunta siya sa isang libing kung saan nagsasalita si Joseph Smith. Dahil sa libing, naisip ni Jane ang kanyang anak na si Cyrus. Si Cyrus ay namatay at hindi nabinyagan. Nag-aalala si Jane kay Cyrus. Alam niya na kailangan nating magpabinyag para mamuhay kasama ang Ama sa Langit.
Mga Banal, 1:480
Alam ni Joseph ang nararamdaman ni Jane. Ganoon din ang iniisip niya noon tungkol sa kanyang kapatid na si Alvin, na namatay rin nang hindi nabinyagan.
Mga Banal, 1:480
Sa libing, ibinahagi ni Joseph ang isang bagay na itinuro sa kanya ng Diyos. Sinabi niya na kapag ang isang tao ay namatay nang hindi nabinyagan, maaari tayong mabinyagan para sa kanila.
Mga Banal, 1:480
Tuwang-tuwa si Jane nang marinig ito! Hindi nagtagal matapos ang libing, nagpunta siya sa ilog kasama ang isang elder ng Simbahan. Bininyagan niya si Jane para kay Cyrus.
Mga Banal, 1:480
Makalipas ang ilang linggo, marami pang itinuro si Joseph sa mga Banal tungkol sa binyag para sa mga patay. Sinabi niya na maraming tao na namatay ang nais na mabinyagan. Gusto nilang sundin si Jesucristo. Sila ay naghihintay at umaasa na ang kanilang mga kamag-anak na nabubuhay pa ay mabinyagan para sa kanila.
Doktrina at mga Tipan 128:15–19; Mga Banal, 1:483
Agad na tumakbo ang mga Banal patungo sa ilog. Bininyagan sila para sa mga taong mahal nila. Si Hyrum Smith ay bininyagan para kay Alvin. Kalaunan, itinuro ng Panginoon na ang binyag para sa mga patay ay dapat gawin sa templo, dapat itala ng isang tao ang bawat binyag, at ang mga lalaki ay dapat binyagan para sa kalalakihan at ang mga babae para sa kababaihan,.
Doktrina at mga Tipan 124:29–32; 127:5–12; 128:1–9; Mga Banal, 1:483–84