“Nakilala nina Newel at Ann Whitney si Propetang Joseph,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)
“Nakilala nina Newel at Ann Whitney si Propetang Joseph,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan
Oktubre 1830–Pebrero 1831
Nakilala nina Newel at Ann Whitney si Propetang Joseph
Mga panalanging puno ng pananampalataya na sinagot ng Panginoon
Sina Ann at Newel Whitney ay may-ari ng isang tindahan sa Kirtland, Ohio. Hindi lumaki si Ann na nagsisimba o natututo tungkol sa Panginoon, ngunit gusto niyang makilala Siya. Matapos silang ikasal ni Newel, maraming beses silang nagdasal at hiniling sa Panginoon na gabayan sila.
Mga Banal, 1:127–28
Isang gabi sa kanilang pagdarasal, nakakita sina Ann at Newel ng isang pangitain. Sa pangitain, isang ulap ang lumapit sa kanilang bahay. Napuspos sila ng Espiritu ng Diyos. Nabalot sila ng ulap. Pagkatapos ay narinig nila ang isang tinig mula sa langit. Sinabi nito sa kanila “Maghandang tanggapin ang salita ng Panginoon, sapagka’t ito ay paparating.’”
Mga Banal, 1:127
Kalaunan, dumating si Parley Pratt sa Kirtland. Itinuro niya at ng kanyang mga kasama ang ebanghelyo ni Jesucristo. Nang marinig ni Ann ang itinuro nila, alam niya na totoo iyon. Umuwi siya para ibalita ito kay Newel. Hindi nagtagal ay nabinyagan sila.
Mga Banal, 1:128
Pagkalipas ng dalawang buwan, isang lalaki at babae ang dumating sa tindahan ni Newel. Hindi sila kilala ni Newel, ngunit kinamayan ng lalaki si Newel at tinawag si Newel sa kanyang pangalan. Sinabi ng lalaki, “Ako si Joseph, ang propeta.” Ipinaliwanag niya na sinasagot ng Panginoon ang mga panalangin ni Newel. Ipinadala Niya sina Emma at Joseph para makilala sina Ann at Newel.
Mga Banal, 1:129
Alam nina Newel at Ann na natutupad na ang kanilang pangitain. Hiniling nila kina Joseph at Emma na manatili sa kanilang tahanan. Mahal nina Ann at Newel si Jesus at ang Kanyang ebanghelyo. Ibinigay nila ang lahat ng mayroon sila sa mga Banal at sa Simbahan ng Tagapagligtas.
Doktrina at mga Tipan 38:23–27, 34–42; Mga Banal, 1:130