Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Mary at Caroline Rollins


“Mary at Caroline Rollins,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)

“Mary at Caroline Rollins,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan

Nobyembre 1830–Hulyo 1831

4:28

Mary at Caroline Rollins

Matinding pagmamahal sa mga banal na kasulatan

Si Mary Rollins na nakikinig sa mga missionary na nagsasalita tungkol sa Aklat ni Mormon.

Si Mary Rollins ay 12 taong gulang nang unang bumisita ang mga missionary sa Kirtland, Ohio. Narinig niya sila na nagsalita tungkol sa Aklat ni Mormon. Noong panahong iyon, iisa lang ang kopya ng aklat sa Kirtland, at isang lider ng Simbahan na nagngangalang Isaac Morley ang may hawak nito.

Si Mary na hinihiling na hiramin ang Aklat ni Mormon.

Pumunta si Mary sa bahay ni Brother Morley at hiniling na makita ang Aklat. Pinayagan siya ni Brother Morley na hawakan ito. Tinanong ni Mary kung pwede niya itong iuwi.

Si Mary na nakikiusap na hiramin ang Aklat ni Mormon.

Ayaw ipahiram ni Brother Morley ang aklat kay Mary. Kaunti pa lang ang nababasa niya rito. Nakiusap si Mary kay Brother Morley na ipahiram ito sa kanya.

Si Mary na nagbabasa ng Aklat ni Mormon.

Pumayag si Brother Morley. Sinabi niya kay Mary na mauuwi niya ang aklat kung ibabalik niya ito nang maaga bukas. Itinuring ito ni Mary na parang kayamanan. Halos buong gabi siyang gising sa pagbabasa.

Si Mary na ibinabalik ang aklat kay Isaac Morley.

Nang ibalik ni Mary ang aklat, nagulat si Brother Morley sa dami ng nabasa niya. “Iha,” sabi niya, “iuwi mo ang aklat na ito at tapusin mo na. Makakapaghintay ako.”

Nakilala ni Mary si Joseph Smith.

Si Mary ang unang tao sa Kirtland na nakabasa ng buong Aklat ni Mormon. Kalaunan nang matapos siya, nakausap niya si Propetang Joseph Smith. Nang malaman ni Joseph kung gaano kamahal ni Mary ang Aklat ni Mormon, sinabi niya na maaari na niyang kunin ang aklat ni Brother Morley. At bibigyan niya si Brother Morley ng isa pang aklat.

Si Mary na nagmamasid habang inililimbag ang Book of Commandments.

Kalaunan nang taong iyon, lumipat si Mary at ang kanyang pamilya sa Independence, Missouri. Sabik niyang pinagmasdan ang mga lider ng Simbahan na nagsimulang ilimbag ang isang bagong aklat na tinatawag na Book of Commandments. Ang aklat na ito ay maglalaman ng maraming paghahayag na ibinigay ni Jesucristo kay Joseph Smith.

Doktrina at mga Tipan 67; 70:1–4; Mga Banal, 1:204

Mga galit na lalaki na sinisira ang palimbagan.

Ngunit may ilang tao sa Independence na ayaw sa Simbahan. Gusto nilang umalis ang mga Banal. Isang araw, pinasok ng mga galit na lalaki ang gusali kung saan inililimbag ang Book of Commandments. Itinapon nila sa labas ng bintana ang pang-imprenta at ikinalat ang mga pahina ng Book of Commandments sa kalsada.

Mga Banal, 1:203–04

Sina Mary at Caroline na nagtatago sa likod ng bakod.

Si Mary at ang kanyang kapatid na si Caroline ay nakamasid mula sa likod ng isang bakod. Sinabi ni Mary kay Caroline na gusto niyang kunin ang mga pahina bago masira ang mga iyon. Natakot si Caroline sa mga galit na lalaki. “Papatayin nila tayo,” sabi niya. Pero alam nina Mary at Caroline na ang mga pahinang iyon ay naglalaman ng salita ng Diyos.

Mga Banal, 1:204

Tumatakbo sina Mary at Caroline para tumakas.

Hinintay ng magkapatid na hindi nakatingin ang mga lalaki. Pagkatapos ay tumakbo sila sa kalsada at dinampot ang maraming pahina na kaya nilang madala. Habang nagmamadali sa pagdampot, nakita sila ng ilang lalaki at sinigawan sila na tumigil. Hinawakan nang mas mahigpit nina Mary at Caroline ang mga pahina at mabilis na tumakbo sa kalapit na taniman ng mais.

Mga Banal, 1:204–05

Sina Mary at Caroline na nagtatago sa maisan.

Hinabol ng dalawang lalaki ang magkapatid sa maisan. Napakataas ng mga mais, kaya hindi makita nina Mary at Caroline kung saan sila pupunta. Dumapa sila sa lupa at idinagan ang katawan nila sa mga pahina. Nakiramdam sila nang tahimik habang naglalakad ang dalawang lalaki sa maisan na hinahanap sila.

Mga Banal, 1:205

Sina Mary at Caroline na nakikinig kay Joseph Smith.

Kalaunan ay sumuko na sa paghahanap ang mga lalaki. Ligtas na sina Mary at Caroline. Nailigtas nila ang mga pahina ng mga paghahayag ng Panginoon para sa Book of Commandments. Ngayon ang mga paghahayag na iyon ay nasa aklat ng Doktrina at mga Tipan.

Mga Banal, 1:205