Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Isang Paghahayag para kay Emma


“Isang Paghahayag para kay Emma” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)

“Isang Paghahayag para kay Emma,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan

Hulyo 1830

2:51

Isang Paghahayag para kay Emma

Pinili ng Panginoon upang gawin ang Kanyang gawain

Kinakawayan ni Joseph si Emma para magpaalam.

Napakabilis ng pagbabago ng buhay nina Emma at Joseph. Sinabi ng Panginoon kay Joseph na dapat niyang itigil ang pagtutuon ng pansin sa pagsasaka. Sa halip, dapat gugulin ni Joseph ang kanyang oras sa pagtuturo sa mga tao tungkol kay Jesucristo at pagtulong sa Simbahan ng Panginoon na umunlad.

Doktrina at mga Tipan 24:7–9; Mga Banal, 1:110

Nakatanaw si Emma sa bintana habang paalis si Joseph.

Maraming tanong si Emma tungkol sa pagbabagong ito. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin habang naglilingkod si Joseph sa Panginoon. Tutulungan din ba niya ang Panginoon at ang Kanyang Simbahan?

Mga Banal, 1:110

Sina Emma at Joseph Smith na nakangiti.

Kinausap ng Panginoon si Emma sa pamamagitan ng paghahayag na ibinigay kay Joseph. Tinawag Niya itong “Emma Smith, aking anak.” Sinabi Niya kay Emma na pinili at tinawag Niya ito upang gawin ang Kanyang gawain. Siya ay isang hinirang na babae, at may magagandang bagay Siya na ipagagawa kay Emma.

Doktrina at mga Tipan 25:1–3

Ibinabahagi ni Emma ang ebanghelyo.

Iniutos ng Panginoon kay Emma na sumama siya kay Joseph sa paglalakbay. Sinabi ng Panginoon na ipapaliwanag ni Emma ang mga banal na kasulatan at tuturuan ang mga miyembro ng Simbahan. Sinabi Niya kay Emma na unahin Siya sa kanyang buhay at tuparin ang kanyang mga tipan. Ipinangako Niya kay Emma na mapapasakanya ang Kanyang Espiritu. Gusto Niyang matuto, umunlad, at tumanggap ng Kanyang mga pagpapala si Emma.

Doktrina at mga Tipan 25:2, 6–10, 15

Si Emma habang kumukumpas ng himno sa isang miting ng Simbahan.

Sinabi rin ng Panginoon kay Emma na gustung-gusto Niyang marinig na umaawit ang Kanyang mga anak. Sinabi Niya na ang mga awitin ng Kanyang mga Banal ay parang panalangin sa Kanya. Inutusan Niya si Emma na gumawa ng isang himnaryo na maaaring awitin ng mga Banal nang magkakasama. Nakakita si Emma ng maraming magagandang awitin tungkol sa Panginoon at sa Kanyang ebanghelyo at tinipon at pinagsama-sama ang mga ito sa isang himnaryo.

Doktrina at mga Tipan 25:11–12; Mga Banal, 1:254–55

Sina Emma at Joseph na kumakaway sa mga kapitbahay.

Patuloy na nagbago ang buhay nina Emma at Joseph, pero alam ni Emma na mahal siya ng Panginoon at may layunin para sa kanya. Naglingkod siya sa Panginoon at sa mga taong nakapaligid sa kanya. Tinulungan niya ang Simbahan ni Jesus na umunlad.

Doktrina at mga Tipan 25:13–15; Mga Banal, 1:255–56