Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Pagtatayo ng Kirtland Temple


“Ang Pagtatayo ng Kirtland Temple,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)

“Ang Pagtatayo ng Kirtland Temple,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan

Disyembre 1832–Marso 1836

3:8

Ang Pagtatayo ng Kirtland Temple

Isang espesyal na bahay para sa Panginoon

Sina Joseph at Emma Smith at Phebe at Sidney Rigdon na nakatingin kung saan itatayo ang Kirtland Temple.

Sinabi ng Panginoon kay Joseph Smith na panahon na para magtayo ang mga Banal ng isang espesyal na bahay sa Kirtland. Ang bahay na ito ay magiging templo, isang lugar kung saan dadalawin ng Panginoon ang Kanyang mga tao at mangangako sa kanila. Bibigyan Niya sila ng espesyal na kaloob sa Kanyang templo. Tinawag Niya ito na pagkakaloob ng kapangyarihan.

Doktrina at mga Tipan 88:119; 95:8; Mga Banal, 1:237

Umalis si Hyrum Smith para tumulong sa paggawa ng templo.

Hindi agad sinimulan ng mga Banal ang pagtatayo ng templo. Makalipas ang ilang buwan, ipinaalala sa kanila ng Panginoon na napakahalaga ng templo. Tumakbo si Hyrum Smith papunta sa bahay ng kanyang mga magulang para kumuha ng mga kagamitan. Nang tanungin siya ng kanyang nanay kung saan siya pupunta, sinabi niya na gusto niya na siya ang mauna sa paggawa ng bahay ng Panginoon.

Doktrina at mga Tipan 95:1–8

Si Sidney Rigdon habang pinagmamasdan ang templong itinatayo.

Sinimulan ng mga Banal sa Kirtland ang pagtatayo ng templo. Malaki ang ginastos at marami ang gagawin. Ang mga miyembro ng Simbahan tulad ni Sidney Rigdon ay nagbigay ng malaking pera para itayo ang templo. Masaya silang sundin ang mga utos ng Panginoon at tanggapin ang Kanyang mga pagpapala sa Kanyang bahay.

Mga Banal, 1:241–44

Nagdarasal si Sidney para sa tulong sa templo.

Habang ginagawa ng mga Banal ang templo, naubos ang pera nila. Nag-alala si Sidney at ang iba pang mga lider ng Simbahan. Nagdasal si Sidney na tulungan sila ng Diyos.

Mga Banal, 1:242–44

Dumating si Caroline Tippets upang tumulong.

Isang miyembro ng Simbahan na nagngangalang Caroline Tippets at kanyang pamilya ang nakaipon ng malaking halaga ng pera. Pumayag si Caroline na hiramin ng Simbahan ang kanilang pera para makatulong sa pagtatayo ng templo.

Mga Banal, 1:244–46

Mga batang tumutulong sa pagtipon ng mga basag na salamin.

Maraming Banal sa Kirtland ang nagsikap na itayo ang templo. Ang ilan ay gumamit ng mga bagon na pinuno ng mga bato patungo sa templo. Ang iba naman ay nagtahi ng damit at nagluto ng pagkain para sa mga manggagawa. Ang mga bata ay nagtipon ng mga piraso ng basag na salamin para durugin at ilagay sa mga pader ng templo upang kuminang at lumiwanag ang mga ito sa sikat ng araw.

Mga Banal, 1:242, 252, 254

Tapos na Kirtland Temple.

Hindi nagtagal natapos ang templo! Sabik na pumasok ang mga Banal sa bahay ng Panginoon upang matanggap ang mga pagpapalang ipinangako Niya sa kanila.

Mga Banal, 1:254