Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang mga Knight at Iba pa ay Nagtipon sa Sion


“Ang mga Knight at Iba pa ay Nagtipon sa Sion,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)

“Ang mga Knight at Iba pa ay Nagtipon sa Sion,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan

Disyembre 1830–Agosto 1831

3:16

Ang mga Knight at Iba pa ay Nagtipon sa Sion

Pagsunod sa tawag ng Panginoon

Sina Polly at Joseph Knight na patungo sa Ohio kasama ang iba pang mga Banal.

Sina Polly at Joseph Knight ay nakatira kasama ang kanilang pamilya sa New York. Kilalang-kilala nila si Propetang Joseph. Matapos matutuhan ang ebanghelyo, pinili nilang sumapi sa Simbahan. Nang iutos ng Panginoon sa mga Banal na lumipat sa Ohio, sumunod ang mga Knight.

Doktrina at mga Tipan 37; Mga Banal, 1:38, 107–08, 124–126

Si Leman Copley na sinasalubong ang mga Banal sa Ohio.

Masaya ang mga Knight nang dumating sila sa Ohio. Sinabi ni Leman Copley, isang miyembro ng Simbahan, na maaaring manirahan sa kanyang lupain ang ilan sa mga Banal. May sapat na lugar doon na mapagtataniman at matatayuan ng mga bahay. Nagtrabaho nang husto si Joseph Knight at ang kanyang mga anak na lalaki para maihanda ang mga bukid sa pagtatanim.

Mga Banal, 1:144–46

Mga Banal na nililisan ang lupain ni Leman Copley.

Pero isang araw, nagbago ang isip ni Leman tungkol sa kanyang lupain. Ayaw na niya na manirahan doon ang mga Banal. Sinabi niya sa mga Knight at sa lahat ng iba pa na umalis.

Mga Banal, 1:146

Mga Banal na nagtatanong kay Joseph Smith kung ano ang dapat nilang gawin.

Nag-alala ang mga Banal. Ngayon ay wala na silang matitirhan. Tinanong nila si Propetang Joseph kung ano ang dapat nilang gawin.

Doktrina at mga Tipan 54; Mga Banal, 1:146

Sinasabi ni Joseph sa mga Banal na pumunta sa Missouri para itayo ang Sion.

Sinabi ng Panginoon na magtungo ang mga Banal na ito sa Missouri at itayo ang Sion. Ang Sion ang magiging lunsod kung saan maaaring magtipon ang mga tao ng Panginoon. Sa Sion, magtatayo sila ng templo kung saan sila gagawa ng mga tipan, o mga pangako sa Diyos. Pagpapalain Niya sila kung tutuparin nila ang mga tipang ito. Sabik na pumunta ang mga Knight.

Doktrina at mga Tipan 29:1–8; 42:30–36; 45:59–66; 54:6–9; 57:1–2; Mga Banal, 1:146

Ang pamilya ni Polly na inaalagaan siya habang nasa daan patungong Missouri.

Habang naglalakbay ang mga Knight patungong Missouri, nagkasakit nang malubha si Polly. Nag-alala ang kanyang asawang si Joseph at ang kanyang mga anak na hindi na siya magtatagal pa. Pero sinabi ni Polly sa kanyang pamilya na gusto niyang makarating sa Sion bago siya mamatay. Gusto niya ito nang higit sa lahat!

Mga Banal, 1:146

Ang mga Knight na nakarating sa Missouri.

Matapos ang mahabang paglalakbay, nakarating ang mga Knight sa Missouri. Labis ang pasasalamat ni Polly sa Panginoon na nakarating siya para makita ito. Nagandahan ang mga Knight sa lupain. Nanalig sila na masusunod nila ang utos ng Panginoon na itayo ang Sion doon.

Mga Banal, 1:151

Mga Banal na naglagay ng isang malaking bato bilang tanda kung saan itatayo ang bagong templo.

Nagdasal ang mga Banal at tinawag nila ang lupain na Sion, kung saan pupunta ang mga tao ng Panginoon. Naglagay si Propetang Joseph ng bato bilang tanda kung saan itatayo ang templo. Pagkaraan ng ilang araw, pumanaw si Polly. Nangako ang Panginoon na magpapahinga sa langit ang mga Banal na dumating sa Sion at pumanaw.

Doktrina at mga Tipan 59:1–2; Mga Banal, 1:151–52