Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Misyon ni Parley sa Canada


“Ang Misyon ni Parley sa Canada,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)

“Ang Misyon ni Parley sa Canada,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan

Abril–Hunyo 1836

3:49

Ang Misyon ni Parley sa Canada

Pagtitiwala sa mga pangako ng Panginoon

Mga lider ng Simbahan na naglalakad malapit sa Kirtland Temple.

Hindi nagtagal matapos ilaan ang Kirtland Temple, maraming lider ng Simbahan ang nagmisyon para ipangaral ang ebanghelyo.

Doktrina at mga Tipan 88:81; 109:22–23; 112:28–29; Mga Banal, 1:283

Si Parley Pratt na nakaupo sa tabi ng kama ng kanyang asawa.

Gustung-gusto ni Parley Pratt na ibahagi ang ebanghelyo. Pero naisip niyang manatili sa bahay dahil may sakit ang asawa niyang si Thankful. Wala rin silang gaanong pera.

Mga Banal, 1:283

Si Heber Kimball na binabasbasan sina Parley at Thankful.

Bumisita si Heber Kimball, kaibigan ni Parley at isa sa mga Apostol. Binigyan niya ng basbas si Parley at sinabing dapat niyang ipangaral ang ebanghelyo sa Canada. Sa basbas, nangako si Heber na gagaling si Thankful. Nangako siya na magkakaroon siya ng anak na lalaki at tutulungan ng Panginoon si Parley na makuha ang perang kailangan niya.

Mga Banal, 1:283–84

Si Parley na nagpapaalam kay Thankful.

Sina Thankful at Parley ay 10 taon nang kasal. Wala silang anak. Ngunit tiwala sila sa mga pangako ng Panginoon. Kahit mahirap mapalayo kay Thankful sa Canada, umalis si Parley para ibahagi ang ebanghelyo.

Mga Banal, 1:284

Si Parley sa kanyang misyon sa Canada.

Sa Canada, naghanap si Parley ng mga lugar kung saan maaari siyang magturo sa mga tao. Nagtanong siya kung pwede siyang magturo sa mga simbahan at iba pang mga gusali. Lahat ay tumanggi.

Mga Banal, 1:287–88

Si Parley na nakikipag-usap kina John at Leonora Taylor.

Pagkatapos ay nakilala ni Parley sina John at Leonora Taylor. Mahal nila si Jesucristo at ang Biblia. Tinanong ni John si Parley kung ang itinuturo niya ay iba sa Biblia.

Mga Banal, 1:287–88

Nag-uusap sina Parley at John.

Sinabi ni Parley na nagtuturo siya tungkol kay Jesus, mga propeta, binyag, at Espiritu Santo. Lahat ng bagay na iyon ay nasa Biblia. Itinanong ni John “Ano naman ang tungkol kay Joseph Smith at sa Aklat ni Mormon?” Sinabi ni Parley kay John na alam niya na ang Aklat ni Mormon ay totoo, tulad ng Biblia, at na si Joseph Smith ay propeta ng Diyos.

Mga Banal, 1:288

Si Parley na nagtuturo sa isang grupo ng mga Banal.

Naniwala si John sa sinabi ni Parley. Binasa niya ang Aklat ni Mormon at nalaman niya na totoo ito. Inanyayahan nina John at Leonora ang kanilang mga kaibigan na sina Joseph, Mercy, at Mary Fielding at iba pa na pumunta para makinig sa turo ni Parley. Maraming tao ang nabinyagan at sumapi sa Simbahan.

Mga Banal, 1:289–90

Si Parley na nagpapaalam sa kanyang mga kaibigan sa Canada.

Masaya si Parley, pero gusto niyang umuwi kay Thankful sa Kirtland. Nagpaalam siya sa kanyang mga bagong kaibigan sa Canada. Habang kinakamayan niya sila, binigyan nila siya ng pera para tulungan siya na alagaan ang kanyang pamilya.

Mga Banal, 1:290–91

Sina Parley at Thankful na magkasama sa Canada.

Nang makauwi si Parley, nakita niya na mas bumuti na ang kalusugan ni Thankful. Kumuha si Parley ng mas maraming kopya ng Aklat ni Mormon at bumalik sa Canada para patuloy na ibahagi ang ebanghelyo. Sa pagkakataong ito, sumama sa kanya si Thankful.

Mga Banal, 1:291–92

Sina Parley at Thankful na magkayakap.

Hindi nagtagal ay nalaman nina Thankful at Parley na magkakaanak sila. Naalala nila ang basbas na ibinigay ni Heber kay Parley. Nadama nila na tila natutupad ang lahat ng ipinangako ng Panginoon sa basbas na iyon.

Mga Banal, 1:291–92