“Kaguluhan sa Missouri,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)
“Kaguluhan sa Missouri,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan
Hulyo 1831–Hulyo 1833
Kaguluhan sa Missouri
Panatilihing malakas ang pananampalataya sa mapanganib na panahon
Maraming Banal ang dumating para manirahan sa Independence, Missouri. Gusto ng Panginoon na itayo nila roon ang lungsod ng Sion. Pero hindi magkasundo ang mga Banal at mga taong naninirahan na sa Independence. Hindi sila magkasundo sa maraming bagay. Nagalit ang ilang tao sa bayan at gustong paalisin ang mga Banal.
Doktrina at mga Tipan 57:1–3; Mga Banal, 1:196–200
Si Edward Partridge ang bishop sa Independence. Nakipagpulong siya sa mga pinuno ng bayan. Sinabi nila na kailangang lisanin ng mga Banal ang Independence. Alam ni Bishop Partridge na nais ng Diyos na itayo ng mga Banal ang Sion sa Independence. Sinabi niya na hindi maaaring umalis ang mga Banal.
Mga Banal, 1:202
Sinimulan ng mga galit na lalaki na sirain ang mga bahay at gusaling itinayo ng mga Banal.
Kinuha ng mga lalaki si Bishop Partridge at ang isa pang lalaki na si Charles Allen mula sa kanilang mga tahanan. Kinaladkad nila ang dalawang lalaki sa liwasang-bayan.
Mga Banal, 1:206
Sabi ni Bishop Partridge, “Kung ako ay dapat magdusa para sa aking relihiyon, ito ay hindi hihigit sa ginawa ng mga nauna sa akin.” Itinulak ng mga lalaki sina Bishop Partridge at Charles sa lupa. Binuhusan nila sila ng mainit na alkitran at balahibo sa buong katawan.
Mga Banal, 1:206–07
Nabalitaan ni William McLellin, isang miyembro ng Simbahan sa Independence, ang ginawa ng mga galit na tao. Natakot siya at tumakbo sa kakahuyan para magtago.
Mga Banal, 1:209
Inisip ni William kung ano ang mangyayari kung matagpuan siya ng mga galit na lalaki. Sasabihin pa rin ba niya na totoo ang Aklat ni Mormon, kahit patayin siya dahil dito?
Mga Banal, 1:209–11
Natagpuan si William ng kanyang mga kaibigan na sina Oliver Cowdery at David Whitmer sa kakahuyan. Alam ni William na naniniwala sina Oliver at David sa Aklat ni Mormon. Ipinakita sa kanila ng isang anghel ang mga laminang ginto. “Sabihin ninyo sa akin,” tanong ni William sa kanila “ang Aklat ni Mormon ba ay totoo?”
Mga Banal, 1:210–11
Sinabi nina Oliver at David kay William na totoo ang Aklat ni Mormon. Sinabi nila na kahit na patayin sila ng mga galit na lalaki, hindi sila titigil sa pagbabahagi ng kanilang patotoo sa mga tao. “Naniniwala ako sa inyo,” sabi ni William.
Doktrina at mga Tipan 17:3–6; Mga Banal, 1:210–11