Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Sidney at Phebe Rigdon


“Sidney at Phebe Rigdon,” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan (2024)

“Sidney at Phebe Rigdon” Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan

Oktubre–Nobyembre 1830

2:24

Sidney at Phebe Rigdon

Pagbabago ng kanilang buhay para tanggapin ang ebanghelyo

Iminumungkahi ni Parley Pratt sa kanyang mga kasamahan na bisitahin nila ang kanyang kaibigang si Sidney.

Si Parley Pratt at ang iba pa ay magbabahagi ng ebanghelyo sa mga Katutubong Amerikano. Sa kanilang paglalakbay, nais ni Parley na huminto at bisitahin ang kanyang kaibigang si Sidney Rigdon. Si Sidney ay isang mangangaral na nagturo kay Parley tungkol kay Jesucristo sa Biblia. Ngayon ay gustong ituro ni Parley kay Sidney ang tungkol kay Jesus sa Aklat ni Mormon.

Doktrina at mga Tipan 32; Mga Banal, 1:113

Si Parley na nagbabahagi ng Aklat ni Mormon kay Sidney Rigdon.

Ikinuwento ni Parley kay Sidney ang tungkol sa Aklat ni Mormon at inanyayahan siyang basahin ito. Hindi sigurado si Sidney, pero dahil kaibigan niya si Parley, nangako siyang gagawin niya ito.

Mga Banal, 1:115

Binasa ni Sidney ang Aklat ni Mormon at ibinahagi ito sa kanyang asawa.

Nang basahin ni Sidney ang Aklat ni Mormon, alam niyang nagmula ito sa Diyos. Sinabi niya ang nadama niyang ito sa kanyang asawang si Phebe.

Mga Banal, 1:115

Kinakausap ni Sidney ang kanyang pamilya.

Pero hindi sigurado si Sidney sa susunod na gagawin. Kung magpapabinyag siya, mawawalan siya ng trabaho bilang mangangaral sa kanilang simbahan. Paano niya itataguyod si Phebe at ang anim nilang anak? Ano ang mararamdaman ng mga tao sa kanyang simbahan? Nanalangin siya sa Ama sa Langit para humingi ng tulong, at nakadama siya ng kapayapaan.

Mga Banal, 1:115; Doktrina at mga Tipan 19:23

Sinabi ni Phebe Rigdon kay Sidney na handa siyang sumapi sa Simbahan.

Tinanong ni Sidney si Phebe kung handa siyang talikuran ang kanilang komportableng buhay at sumapi sa bagong simbahan na ito kasama niya. “Nais kong gawin ang kalooban ng Diyos,” sabi niya, “sa buhay man o sa kamatayan.” Nagpasiya silang magpabinyag.

Mga Banal, 1:115

Nakilala ni Sidney si Joseph Smith.

Kalaunan, nakilala ni Sidney si Propetang Joseph Smith. Binigyan ng Panginoon si Sidney ng mensahe sa pamamagitan ni Joseph. Sinabi Niya na nakita Niya ang magagandang bagay na ginawa ni Sidney at narinig Niya ang mga panalangin nito. Sinabi ng Panginoon kay Sidney na may dakilang gawain Siya na ipagagawa rito. Maraming dakilang bagay ang gagawin ni Sidney.

Doktrina at mga Tipan 35:3–4