2020
Paano Ako Kikilos Kaagad nang May Pananampalataya?
Hunyo 2020


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Aklat ni Mormon

Paano Ako Kikilos Kaagad nang May Pananampalataya?

Alma 17–22 Hunyo 22–28

Larawan
How can I act immediately with faith

Ang tapat at agarang mga kilos ni Abis sa Aklat ni Mormon ay nagpapamalas kung paano makakatulong ang pananampalataya sa pagtulong na ilapit ang iba kay Cristo. Isipin kung gaano siya lubos na “nagbalik-loob sa Panginoon” (Alma 19:16).

Alam Niya Ito

Napakalakas ng pananampalataya ni Abis kaya nang makita niya na nalugmok sa lupa ang sambahayan ni Lamoni, “alam niyang ito ay kapangyarihan ng Diyos” (Alma 19:17). Paano mo palalakasin ang iyong pananampalataya na malaman, tulad ni Abis, ang kapangyarihan ng Diyos?

Siya ay Tumakbo sa Bahay-bahay

Nang makilala ni Abis ang kapangyarihan ng Diyos siya ay “tumakbo sa bahay-bahay” at sinabi sa mga tao na pumunta at tingnan ang himala (Alma 19:17). Ang kanyang pananampalataya ay nagbigay sa kanya ng kakayahan na kumilos kaagad. May mga aspeto ba ng ebanghelyo kung saan naglalakad ka sa halip na tumatakbo upang sundin ang kalooban ng Diyos nang may pananampalataya?

Hinawakan Niya sa Kamay ang Iba

“Hinawakan [ni Abis] ang kamay ng reyna” nang may pananampalataya na mapapatayo nito ang reyna (Alma 19:29). Ginawa niya ang tila imposible dahil sa kanyang pananampalataya sa Diyos. Paano mo mapapalakas ang iyong pananampalataya sa Diyos at magagawa ang imposible sa buhay mo?

Mga paglalarawan ni Andrew Bosley; background mula sa Getty Images