2020
Paano Ako Itinuturo ng Nakapagliligtas na mga Ordenansa kay Cristo?
Hunyo 2020


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Aklat ni Mormon

Paano Ako Itinuturo ng Nakapagliligtas na mga Ordenansa kay Cristo?

Alma 13–16 Hunyo 15–21

Larawan
How do saving ordinances point me to Christ

Maghanda

Sina Alma at Amulek ay tinawag at inihanda ng Panginoon na ituro ang Kanyang mga utos (tingnan sa Alma 13:3). Sila rin ay “inordenan sa banal na ordenansa” (Alma 13:8). Ito at ang iba pang mga ordenansa ay ibinigay upang malaman natin kung saan hahanapin ang kapatawaran ng ating mga kasalanan (tingnan sa Alma 13:16). Itinuturo tayo ng lahat ng ordenansa kay Cristo.

Paano ka makapaghahanda na tanggapin ang nakapagliligtas na mga ordenansa ng ebanghelyo?

Magsisi

Ibinabaling ng pagsisisi ang ating puso sa Tagapagligtas. Itinutuon ng nakapagliligtas na mga ordenansa ang ating mga isipan kay Cristo at sa Kanyang biyaya upang makabalik tayo sa Kanya (tingnan sa Alma 13:16).

Tumanggap

Ang Panginoon ay nagbibigay ng nakapagliligtas na mga ordenansa upang maranasan natin ang “kapangyarihan ni Cristo tungo sa kaligtasan” (Alma 15:6).

Anong nakapagliligtas na mga ordenansa na ang natanggap mo, at paano ka mas inilapit ng mga ito sa Tagapagligtas?

Paglalarawan ni Kathleen Peterson