2020
Ang Pagpapanumbalik ng Aaronic Priesthood
Hunyo 2020


Ang Pagpapanumbalik ng Aaronic Priesthood

Larawan
Joseph Smith and Oliver Cowdery receiving the Aaronic Priesthood

Sa Inyo na Aking Kapwa Tagapagsilbi, nina Linda Curley Christensen at Miachael Malm

Noong Mayo 15, 1829, iginawad ni Juan Bautista ang Aaronic Priesthood kina Joseph Smith at Oliver Cowdery. Ang mga sipi ng kanilang mga paggunita sa mahalagang araw na iyon ay nagpapakita na lubhang kagila-gilalas ang pangyayaring iyon.

“Ang sugo na dumalaw sa amin sa pagkakataong ito at naggawad sa amin ng Pagkasaserdoteng ito, ay nagsabi na Juan ang kanyang pangalan, siya ring tinatawag na Juan Bautista sa Bagong Tipan, at na siya ay kumikilos sa ilalim ng tagubilin nina Pedro, Santiago at Juan, na may hawak ng mga susi ng Pagkasaserdoteng Melquisedec.”

“Tila baga mula sa gitna ng kawalang-hanggan, ang tinig ng Manunubos ay nangusap ng kapayapaan sa amin, habang ang tabing ay nahawi at ang anghel ng Diyos ay bumaba na nadaramitan ng kaluwalhatian, at inihatid ang pinakahihintay na mensahe, at ang mga susi ng Ebanghelyo ng pagsisisi. Anong ligaya! anong kababalaghan! anong panggigilalas!”

Oliver Cowdery, sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:71, tala; idinagdag ang pagbibigay-diin

Paglalarawan ng Bible video sa pagbibinyag ni Juan Bautista kay Jesucristo.

Kasama rin ni Joseph Smith si Oliver Cowdery noong 1836 nang ipanumbalik ang mga susi ng priesthood sa Kirtland Temple.

Ang Ilog ng Susquehanna sa Harmony, Pennsylvania, malapit sa pinagbinyagan kina Joseph Smith at Oliver Cowdery noong Mayo 15, 1829.