2020
Sino Ako?
Hunyo 2020


Sino Ako?

Narito ang isang larong malalaro na kasama ang pamilya o mga kaibigan. Ilang tao mula sa Aklat ni Alma ang kaya mong tukuyin?

Larawan
Who Am I
  1. Gupitin ang mga butones na “Hindi ako iyon!” sa kaliwa at ang mga kard sa pahina K15. Huwag gupitin ang mga larawan sa kanan.

  2. Para simulan ang paglalaro, pumili ng isa sa mga kard sa pahina K15. Huwag ipakita kaninuman ang kard na pinili mo! Susubukan itong hulaan ng iba pa sa grupo.

  3. Para malaman ang mystery card, titingnan ng grupo ang mga larawan sa pahina K13. Pagkatapos ay maghahalinhinan silang magtanong kung ano ang hitsura ng mga taong nasa kard o ng tungkol sa ginawa nila na masasagot ng oo o hindi.

  4. Kapag nalaman ng grupo ang isang bagay na tumutukoy sa misteryosong tao, maaari nilang gamitin ang mga butones na “Hindi ako iyon!” upang takpan ang mga larawang natanggal. Halimbawa, kung itatanong nilang, “Brown ba ang buhok ng taong ito?” at sasabihin ng taong may hawak ng kard na hindi, ilalagay nila ang mga butones na “Hindi ako iyon!” sa lahat ng brown ang buhok.

  5. Kapag nahulaan na kung sino ang misteryosong tao, basahin nang malakas sa grupo ang kuwento mula sa card. Pagkatapos ay maglarong muli sa pamamagitan ng pagtatanggal sa mga butones at pagpapapili ng bagong kard sa isa pang tao.

Mga paglalarawan ni Jeff Harvey