2020
Paano ko tutulungan ang mga kaibigan ko na mukhang may depresyon?
Hunyo 2020


Mga Tanong at mga Sagot

Paano ko tutulungan ang mga kaibigan ko na mukhang may depresyon?

Larawan
friends talking

Anyayahan Silang Sumama Sa Iyo

Anyayahan silang sumama sa iyo sa masasayang aktibidad. Huwag mawalan ng pag-asa kung hindi sila tumutugon sa paraang gusto mo. Kung minsan ang paanyaya lamang sa isang kaganapan o maging ang kaalaman na nais mo silang makasama ay magpapalakas sa kanila.

Alyssa F., edad 16, Washington, USA

Muli Silang Bigyan ng Katiyakan

Kapag may kasama akong mga kaibigang may depresyon, hindi ko binabalewala ang kanilang problema. Pero pinagagaan ko ang kanilang mga paghihirap. Sinisikap kong muli silang bigyan ng katiyakan at mahalin sila. Binibigyan ko sila ng pagkakataong maglabas ng sama-ng-loob.

Angbo K., edad 18, Ivory Coast

Huwag Hayaang Madamay Ka

Ang pinakamagandang paraan para matulungan sila, at ang iyong sarili, ay maging tapat. Sabihin ang mga bagay na nagpapagalak sa iyo. Kung nahihirapan kang manatiling masaya, ipaalam sa kanila na naroon ka para sa kanila, pero ingatan mo ang sarili mo. Mas makakabuti sa iyo ang maging OK kaysa madamay ka pa.

Kira W., edad 16, Kansas, USA

Mag-isip nang Positibo

Maaari kang manatiling positibo sa piling ng iyong mga kaibigan na mukhang may depresyon sa pamamagitan ng pag-iisip ng mga positibong bagay na naranasan mo o di-magtatagal ay mararanasan mo sa buhay. Isipin mo na lang ang mga bagay na pinasasalamatan mo, tulad ng mga nakakatawang karanasan.

Luke P., edad 14, New Mexico, USA

Ipaalala sa Kanila ang Mabubuting Bagay

Kapag may kaibigan akong may depresyon, sinusubukan kong kausapin sila tungkol sa isang bagay na interesado sila para maalaala nila ang ilang mabubuting bagay tungkol sa araw nila o sa kanilang buhay. Kung minsan sinusubukan ko silang patawanin o purihin para gumanda ang pakiramdam nila, at kung minsan pinapagawa ko sila ng isang mahalagang bagay para malaman nila na mayroon silang layunin.

Carson D., edad 15, Texas, USA