2020
Ang Mithiin Kong Makapagluto
Hunyo 2020


Mga Bata at Kabataan

Ang Mithiin Kong Makapagluto

Matutulungan ka ng iyong Children’s Guidebook na magtakda ng mga mithiin na mas mapalapit kay Jesus.

Larawan
My Cooking Goal

Gusto kong maging mas mahusay sa pagluluto. Kaya nang matanggap ko ang aking Children’s Guidebook, nagtakda ako ng mithiin na makapagluto kami ng tatay ko. Tuwing magluluto ang tatay ko, pinanonood ko siya at nakita ko kung gaano siya kagaling. Gusto kong matutong magluto na katulad niya.

Pumunta kami ng tatay ko sa tindahan para bumili ng mga sangkap. Pagkatapos ay isa-isa niyang itinuro sa akin kung paano gawing magandang keyk ang harina. Kalaunan ay tinuruan din niya akong gumawa ng iba pang mga bagay.

Ang pagsisikap na magawa ang mithiing ito ay tumulong sa akin na mas mapalapit sa tatay ko. Gustung-gusto kong makasama siya! Napakahusay niyang magturo. Ang isang bagay na itinuro niya sa akin ay na kapag nagluluto kami, hindi ako dapat magambala ng cell phone ko!

Ngayon kapag iniisip ko ang pagluluto, tuwang-tuwa ako, dahil gustung-gusto kong magluto! Hindi lamang ako tinutulungan ng mithiing ito na gawin ang isang bagay na gustung-gusto ko kundi lumalago rin ako sa espirituwal. Gusto ko na napipili ko ang sarili kong mga mithiin. Nais akong tulungan ng Ama sa Langit sa mithiing ito dahil nais Niyang paunlarin ko ang aking mga talento. Gusto Niya akong tulungan dahil alam Niya na pinasasaya ako nito.

Mga larawang kuha ni Jonas Rebicki