2020
Paano Nakakatulong sa Atin ang Pagkakaroon ng Malambot na Puso na Magtamo ng Espirituwal na Kaalaman?
Hunyo 2020


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Aklat ni Mormon

Paano Nakakatulong sa Atin ang Pagkakaroon ng Malambot na Puso na Magtamo ng Espirituwal na Kaalaman?

Alma 8–12 Hunyo 8–14

Larawan
How does developing a soft heart help us gain spiritual knowledge

Nang ipinangaral ni Alma ang ebanghelyo sa Ammonihas, hindi siya tinanggap ng karamihan sa mga tao, ngunit nakinig at naniwala si Amulek. Ang pagkakaiba ni Amulek sa iba pang tao sa Ammonihas ay nagpapakita sa atin ng mga bunga ng pagkakaroon ng malambot na puso o matigas na puso sa mga bagay ng Diyos (tingnan sa Alma 12:10). Mapipili ninyong magkaroon ng malambot na puso.

Si Amulek at ang mga Tao ng Ammonihas

Naniwala si Amulek na si Alma ay isang propeta ng Diyos (tingnan sa Alma 8:20). Nang sabihin sa kanya ng isang anghel na patuluyin si Alma sa kanyang tahanan, pinili niyang sumunod (tingnan sa Alma 10:8). Sinagot din niya ang panawagan ng Diyos na ipangaral ang ebanghelyo (tingnan sa Alma 8:29–30). Gayunman, tinanggihan ng iba pang mga tao sa lungsod si Alma, at hindi sila naniwala.

Mga Pagpapala ng Malambot na Puso

Dahil tinanggap niya ang salita ng Diyos, biniyayaan si Amulek ng espirituwal na kaalaman. Siya ay “napuspos ng Espiritu Santo” (Alma 8:30), nagkaroon ng patotoo sa kapangyarihan ng Diyos (tingnan sa Alma 10:5), at nalaman pa ang iniisip ng mga tao na nagtangkang linlangin siya (tingnan sa Alma 10:17). Maaari mo ring piliing tanggapin ang salita ng Diyos at tanggapin ang Kanyang pagpapala.

Mga Bunga ng Matigas na Puso

Dahil pinatigas ng mga tao ng Ammonihas ang kanilang puso sa mga turo ni Alma, nawalan sila ng mahahalagang pagpapala. Wala silang kaalaman hinggil sa mga himala ng Diyos (tingnan sa Alma 9:5), at binalaan sila na lilipulin sila ng Diyos at hindi nila mamanahin ang Kanyang kaharian (tingnan sa Alma 9:12).

Mga paglalarawan ni Ben Simonsen