2020
Young Women: Ipinagdiriwang ang 150 Taon
Hunyo 2020


Young Women: Ipinagdiriwang ang 150 Taon

Larawan
Young Women Celebrating 150 Years
Larawan
Young Women Celebrating 150 Years 2

Ang organisasyon ng Young Women ay magiging 150 taon na sa taong ito, at dapat itong ipagdiwang! Tingnan ang mga katotohanang ito tungkol sa kung paano umunlad ang organisasyon mula 1870 hanggang sa ngayon, ano ang ginagawa ng mga kabataang tulad ninyo para makibahagi ngayon sa Young Women, at paano kayo mabibigyang-inspirasyon ng kababaihan sa kasaysayan na nagpakita ng tapang at pananampalataya.

1870–1920

Pangalan: Ang Young Ladies’ Department of Ladies’ Cooperative Retrenchment Association ay opisyal na itinatag noong Mayo 27, 1870, sa ilalim ng pamamahala ni Brigham Young.1 Ang pangalan ay ginawang Young Ladies’ Mutual Improvement Association noong 1877.2

Organisasyon at mga Klase: Ang programang Bee-Hive Girls ay nilikha bilang isang summer program para sa mga batang babae na edad 14 pataas.

Pagpapabuti at Pagkilala: Ang Bee-Hive Handbook ay inilathala noong 1915, na nagbabalangkas sa pitong “larangan” ng personal na pagpapaunlad: Relihiyon, Tahanan, Kalusugan, Domestic Arts, Out-of-Doors, Negosyo, at Serbisyo Publiko.3

Mga Magasin at Journal: Ang unang isyu ng Young Woman’s Journal ay inilathala noong 1889.4 Maraming mga lokal na Mutual Improvement Associations (o MIAs) ang gumawa ng sarili nilang sulat-kamay na mga pahayagan na isa o dalawa lamang ang kopya para ipasa-pasa sa mga batang babae.

1920–1970

Pangalan: Ang Young Ladies’ Mutual Improvement Association ay binago at naging Young Women’s Mutual Improvement Association noong 1934.5

Organisasyon at mga Klase: Mayroong dalawang klase, ang Bee-Hive Girls para sa mas nakababatang mga babae at Gleaners para sa mas nakatatandang mga dalagita. Ang edad ng pagpasok sa programa ay nagbago, dating 14 ay naging 12. Noong 1950, pinasimulan ang Mia Maid class.

Pagpapabuti at Pagkilala: Ang pagkilala sa Golden Gleaner ay tanda ng pinakamataas na maaaring makamit ng kabataang babae sa programa.

Mga Magasin at Journal: Ang Young Woman’s Journal ay isinama sa Improvement Era na magasin para sa lahat ng kabataan noong 1929.6

1970–2019

Pangalan: Ang Young Women’s Mutual Improvement Association ay binago at naging organisasyon ng Young Women noong 1974.7

Organisasyon at mga Klase: Pagsapit ng 1972, ang organisasyon ng Young Women ay may tatlong klase: mga Beehive (edad 12–13), mga Mia Maid (edad 14–15), at mga Laurel (edad 16–17). Simula 2019, ang mga kabataang babae ay pumapasok sa Beehive sa Enero ng taon na sila ay magiging 12 taong gulang.

Pagpapabuti at Pagkilala: Ang programa ng Pansariling Pag-unlad at medalyon ay pinasimulan noong 1977. Ang mga pinahahalagahan ng Young Women na Pananampalataya, Likas na Kabanalan, Indibiduwal na Kahalagahan, Kaalaman, Pagpili at Pananagutan, Mabubuting Gawa, at Integridad ay idinagdag noong 1987.8 Ang Kabanalan ay idinagdag sa mga pinahahalagahan noong 2008.9

Mga Magasin at Journal: Ang magasin na New Era para sa mga kabataan ay sinimulang ilathala sa Ingles noong 1971, at ang Liahona ay naglalaan ng mga artikulo para sa mga kabataan sa maraming wika.10

2020

Pangalan: Ang pangalan ay nananatiling organisasyon ng Young Women.

Organisasyon at mga Klase: Ang mga klase ay inorganisa sa bawat ward o branch ayon sa mga pangangailangan nito at kinilala sa pamamagitan ng nagkakaisang katawagan na “Young Women” (halimbawa, “Young Women 12,” “Young Women 12–15,” o basta “Young Women” lang kung lahat sila ay sama-samang nagtitipon).

Pagpapabuti at Pagkilala: Pinapalitan ng Mga Bata at Kabataan ang programang Pansariling Pag-unlad. Naghihikayat ang bagong programa ng personal na mga pagkakataon upang umunlad sa mga aspeto ng Personal na Pag-unlad, Pag-aaral ng Ebanghelyo, at Paglilingkod at mga Aktibidad.11

Mga Magasin at Journal: Ang magasin na New Era para sa mga kabataan ay malapit nang magdiwang ng ika-50 anibersaryo nito.

Mga Tala

  1. Tingnan sa “Timeline of Young Women History,” history.ChurchofJesusChrist.org/landing/a-brief-timeline-of-young-women-history.

  2. Tingnan sa “Young Women’s Timeline,” Mormon Women’s Studies Resource, Harold B. Lee Library, Brigham Young University, Provo, Utah, mormonwomen.lib.byu.edu/young-womens-portal/young-women-timeline.

  3. Tingnan sa “History of Young Women Recognition,” history.ChurchofJesusChrist.org.

  4. Tingnan sa “Young Women’s Timeline.”

  5. Tingnan sa “Young Women’s Timeline.”

  6. Tingnan sa “Young Women’s Timeline.”

  7. Tingnan sa “Young Women’s Timeline.”

  8. Tingnan sa “Young Women’s Timeline.”

  9. Tingnan sa “New Young Women Value: Virtue,” Dis. 9, 2008, thechurchnews.com.

  10. Tingnan sa “Young Women’s Timeline.”

  11. Tingnan sa ChildrenAndYouth.ChurchofJesusChrist.org.

  12. Tingnan sa “History of Young Women Recognition.”

  13. Tingnan sa “History of Young Women Recognition.”

  14. Tingnan sa “Young Women Classes and Symbols,” ChurchofJesusChrist.org/young-women/personal-progress.

  15. Tingnan sa “History of Young Women Recognition.”

  16. Tingnan sa “The Annual Report of the Church,” Ensign, Hulyo 1972, 131–33.

  17. Tingnan sa “Worldwide Statistics,” newsroom.ChurchofJesusChrist.org/facts-and-statistics.

Larawan ng isang dalagita na nakasuot ng medalyon ng Pansariling Pag-unlad, na kuha ni Alicia Cerva