2020
Ipakita at Ikuwento
Hunyo 2020


Ipakita at Ikuwento

Larawan
Show and Tell

Noong mas bata pa ako, mayroon akong sakit sa balat. Araw-araw ipinagdasal ko sa Ama sa Langit na pagalingin ako. Natuto akong magtiyaga, at pagkaraan ng limang taon ay gumaling ako. Alam ko na pinakikinggan ng Ama sa Langit ang ating mga dalangin.

Juyoung K., edad 12, Gyeonggi, South Korea

Takot sa aso ang bunsong kapatid na babae ng kaibigan ko. Nang lapitan kami ng ilang aso, pinaalis ko ang mga ito para hindi siya matakot.

Hyrum F., edad 7, Maputo, Mozambique

Mahilig akong mag-alaga ng mga stick insect. Nagkasakit nang malubha ang isa sa kanila. Ipinagdasal ko na gumaling siya. Kinaumagahan, sumilip ako sa kulungan niya at maayos na siya. Alam ko na dininig ng Ama sa Langit ang panalangin ko.

Tahnee C., edad 8, Wellington, New Zealand

Na-stroke ang tatay ko at dinala sa ospital noong pitong taong gulang ako. Nasa ospital pa rin siya nang mag-walong taong gulang ako. Nagpasiya akong hintaying makalabas ng ospital ang tatay ko bago ako mabinyagan at makumpirma. Isa iyon sa mga pinakamasayang araw para sa akin.

William M., edad 9, Queensland, Australia

Nang pumasok ako sa paaralan, mahilig ang ilang estudyante sa mga kuwentong nakakatakot. May ikinuwento sila sa akin na talagang palaging pumapasok sa isipan ko sa gabi. Isang gabi, nagpasiya akong magdasal sa Ama sa Langit para hindi ko ito maalala, at tinulungan Niya akong makatulog gabi-gabi. Noon ko nalaman na maaari akong magdasal sa Kanya kahit saan at kahit kailan.

Enerel T., edad 11, Ulaanbaatar, Mongolia

“Mga Bata sa Lahat ng Dako ng Mundo,” Alexia W., edad 10, Heredia, Costa Rica

Miguel T., edad 7, Nuevo León, Mexico

Background mula sa Getty Images