2020
Mga Kabataan
Hunyo 2020


Mga Kabataan

Larawan
Photograph of Fofoa and Etuale

Larawang kuha ni Leslie Nilsson

Fofoa V., (kaliwa) edad 18

Etuale V., (kanan) edad 16, Savali, Samoa

Sa aming pamilya, lahat ay tumutulong.

Fofoa: Naniniwala ang aming pamilya sa pagtutulungan. Kami ng kapatid kong si Etuale ang nagtitipon ng kahoy na panggatong para sa pagluluto. Tumutulong din kaming maghanda ng pagkaing ibebenta. Naaalala ko na minsa’y hindi kumita ng sapat na pera ang aming pamilya para mabayaran ang isang malaking bayarin sa tubig, kaya ginawa naming lahat ang aming bahagi para makatulong. Nagbenta ng barbecue ang kapatid kong babae. Kami ni Etuale ang nagtipon ng mga buko at iba pang pagkain at pagkatapos ay tumulong kaming ibenta ang pagkain para makalikom ng pera. Sa pamamagitan ng pagsisikap bilang isang pamilya at pagtitiwala sa Diyos, nagawa naming muling maibalik ang aming tubig.

Etuale: Tinutulungan ako ng Diyos sa lahat ng bagay sa buhay ko. Binibigyan Niya ako ng lakas at pinagpapala ako araw-araw. Gustung-gusto kong tumira sa Samoa. Napakapayapa rito. Ang pinakamalaki kong pangarap ay makapagmisyon nang full-time! Gusto kong ialay ang dalawang taon ko sa Diyos.