2020
Ano ang pananaw ng Simbahan tungkol sa pagkapoot sa lahi?
Hunyo 2020


Ano ang pananaw ng Simbahan tungkol sa pagkapoot sa lahi?

Naniniwala tayo na ang Diyos ang Ama ng buong sangkatauhan at na “wala siyang tinatanggihan sa mga lumalapit sa kanya; [kapwa] maitim at maputi … ; at pantay-pantay ang lahat sa Diyos” (2 Nephi 26:33). Dahil ang lahat ng tao ay pantay-pantay sa harap ng Diyos, naniniwala tayo na hindi tamang angkinin ng sinuman na nakahihigit siya sa iba dahil sa kanilang lahi o etniko. Bukod pa rito, naniniwala tayo na kasalanan ang manghamak, manirang-puri, o magkaroon ng diskriminasyon sa ibang tao dahil sa kanilang lahi.

Tinuligsa na ng makabagong mga propeta at apostol ang pagkapoot sa lahi sa pinakamatinding posibleng mga kataga. Halimbawa:

  • Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008): “Walang sinumang nanlalait sa ibang lahi ang maituturing ang kanyang sarili na tunay na disipulo ni Cristo. Ni hindi niya maituturing ang kanyang sarili na nakaayon sa mga turo ng Simbahan ni Cristo.”1

  • Pangulong M. Russell Ballard, Gumaganap na Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol: “Kailangan nating yakapin ang mga anak ng Diyos nang may habag at alisin ang anumang panghuhusga, pati na ang pagkapoot sa lahi, diskriminasyon sa kasarian, at nasyonalismo.”2

  • Pangulong Dallin H. Oaks, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan: “Ang [pagkapoot sa lahi] marahil ang pinakapamilyar na pinagmumulan ng [hindi matwid na palagay] ngayon, at sinasabihan tayong pagsisihan iyan.”3

Mga Tala

  1. Gordon B. Hinckley, “Ang Pangangailangan sa Malaking Kabutihan,” Liahona, Mayo 2006, 58.

  2. M. Russell Ballard, “Patuloy ang Paglalakbay!” Liahona, Nob. 2017, 106.

  3. Dallin H. Oaks, “Isang Dahilan para Magdiwang,” Liahona, Dis. 2018, 49.