2020
Sino Ako?—Pumili ng Isang Kard
Hunyo 2020


Sino Ako?—Pumili ng Isang Kard

Gamitin ang mga kard na ito para laruin ang game sa mga pahina K12–K13.

Larawan
Who Am I—Pick a Card
  • Abis:Nagbalik-loob ako sa Diyos maraming taon na ang nakalipas, nang magkaroon ng isang pangitain ang aking ama. Habang nagtatrabaho para kay Haring Lamoni, tinulungan ko ang maraming tao na malaman ang tungkol sa kapangyarihan ng Diyos.

  • Haring Lamoni:Nang malaman ko ang tungkol sa ebanghelyo, nagkaroon ako ng isang pangitain. Nakita ko si Jesus! Nagpatotoo ako sa aking ama at tumulong akong sagipin ang mga misyonero mula sa bilangguan.

  • Korihor:Sinikap kong kumbinsihin ang mga tao na hindi totoo si Jesus at humingi ako ng patunay na mayroong Diyos. Bigla akong hindi makapagsalita o makarinig!

  • Ammon:Isa ako sa mga anak ni Mosias. Sa aking misyon, pinrotektahan ko ang mga kawan ni Haring Lamoni. Tinuruan ko si Haring Lamoni at ang reyna tungkol sa ebanghelyo.

  • Mga Anti-Nephi-Lehi:Dati kaming mga Lamanita na nakipaglaban nang husto, pero nagpasiya kaming sundin ang Diyos. Kaya ibinaon namin ang aming mga sandata ng digmaan at nangako kami na hindi na muling makikipaglaban.

  • Nakababatang Alma:Isinunod ang pangalan ko sa aking ama, ang propeta. Nakagawa kami ng mga kaibigan ko ng mga maling pagpili. Ngunit pagkatapos ay nagsisi kami at naging mga misyonero.

  • Ang Reyna:Pinrotektahan ko ang asawa ko nang isipin ng iba na patay na siya. Nang malaman ko ang tungkol sa Diyos, tinulungan ako ng aking tagapagsilbing si Abis na tumayo at turuan ang iba.

  • Kapitan Moroni:Ako ang kapitan ng hukbo ng mga Nephita, ngunit ayaw kong saktan ang mga tao. Ginawa ko ang bandila ng kalayaan upang ipaalala sa mga tao ang pinakamahalagang bagay na dapat protektahan.

  • Mga Kabataang Mandirigma:Nalaman namin ang tungkol sa pananampalataya mula sa aming mga ina. Nang kinailangan naming protektahan ang aming pamilya, nagtiwala kami na tutulungan kami ng Diyos. At tinulungan nga Niya kami!

  • Aaron: Isa ako sa mga anak ni Mosias. Sa aking misyon, tinuruan ko ang ama at ina ni Haring Lamoni. Pagkatapos ay lumikha sila ng mga batas na pumuprotekta sa mga misyonero sa kanilang mga lupain.

  • Amalikeo: Gustung-gusto kong maging hari! Nilason ko ang pinuno ng mga Lamanita at ako ang pumalit sa pamumuno ng kanyang hukbo. Sinikap kong kumbinsihin ang mga tao na lumaban at saktan ang isa’t isa.

  • Ang Babaeng Tagapagsilbi: Nang may nanakit sa akin, matapang kong sinabi sa isang tao ang tungkol dito at humingi ako ng tulong. Tumulong ako kay Kapitan Moroni sa pagprotekta sa kanyang mga tao.

Mga paglalarawan ni Jeff Harvey