2020
Walang Hindi Nakasali
Hunyo 2020


Kaibigan sa Kaibigan

Walang Hindi Nakasali

“Kayong lahat ay mangagkaisang akala, madamayin” (I Ni Pedro 3:8).

Larawan
No One Was Left Out

Lumaki ang anak naming si Justin na may malubhang sakit. Kung minsa’y hinang-hina siya. Hindi niya maaaring gawin palagi ang mga bagay-bagay na tulad ng iba, kahit sinubukan niya. Alam niya ang pakiramdam ng maging naiiba.

Isang araw nagkita-kita si Justin at ang mga kaibigan niya para maglaro. Kailangan nilang paluin ng mga braso nila ang bola pataas para mapanatili ito sa ere. Ang isa sa mga batang babaeng dumating para makipaglaro ay may bali ang braso.

Madali sanang sabihing, “OK, maglalaro tayong lahat, at manonood lang siya.”

Ngunit sa halip, sinabi ni Justin, “Mayroon akong magandang ideya. Maglalaro tayong lahat na isang braso lang ang gamit.” Naglaro ang lahat na isang braso lang ang gamit, pati na ang batang babaeng nakasemento ang isang braso. Walang hindi nakasali.

Idolo ko si Justin. Lagi niyang tinitingnan ang ibang tao at iniisip, Ano ang nararamdaman nila? Halos buong buhay ni Justin ay maysakit siya, pero masaya siya dahil tinutulungan niya ang ibang tao at sinusunod niya si Jesucristo.

Lahat tayo ay may mga hamon, ngunit maraming dahilan para maging masaya. Gawin mo ang kaya mo. Magtiwala sa Diyos. Ang pinakamalaking kaligayahan ay hindi nagmumula sa pagtutuon sa sarili mo kundi sa pagtutuon sa iba. ●

Paglalarawan ni Barbara Bongini