2020
Ang Desisyon na Magpabinyag
Hunyo 2020


Ang Desisyon na Magpabinyag

Larawan
feet in baptismal font

Kamakailan, pinag-isipan naming mag-asawa kung handa na bang magpabinyag ang aming pitong-taong-gulang na anak na lalaki. Mayroon siyang autism, kaya hindi kami sigurado kung sapat na ang naunawaan niya para panagutan ang desisyong ito. Sa pahina 18, mababasa ninyo ang maraming bagay na isinaalang-alang namin sa pagsisikap na gumawa ng tamang desisyon.

Bilang isang disabilities specialist ng Simbahan, alam ko na maraming mabubuting taong may kapansanan ang gustong makadama na tanggap sila sa Simbahan. Para sa lahat ng mga kapatid natin na may anumang mga kapansanan at sa kani-kanilang pamilya, sinasabi namin: Mahal namin kayo, kailangan namin kayo, at nais naming malaman kung paano kayo higit na mapaglilingkuran.

Tinutulungan tayo ng ilang artikulo sa isyung ito na maunawaan ang mga kapansanan at kung paano natin higit na maitataguyod ang pagtanggap sa lahat sa ating mga ward at komunidad:

  • Pahina 28: Nagbigay si Elder Paul B. Pieper ng Pitumpu at ang kanyang asawang si Melissa, na may isang anak na may kapansanan, ng pag-asa at panghihikayat sa mga magulang.

  • Pahina 21: Sa bandang dulo ng aking artikulo, makakakita kayo ng mga ideya kung paano mas maisasali ang mga miyembrong may kapansanan sa mga aralin at calling sa Simbahan.

  • Pahina K16: Magagamit ng mga magulang ang kuwentong ito sa Kaibigan para matulungan ang kanilang mga anak na makakita ng halimbawa ng pagiging kaibigan sa isang taong may kapansanan.

Habang binabasa ninyo ang isyung ito, alalahanin na “ang kahalagahan ng mga kaluluwa ay dakila sa paningin ng Diyos” (Doktrina at mga Tipan 18:10). Makakatulong tayong magtaguyod ng kapaligirang mapagmahal at tanggap ang lahat sa tahanan at Simbahan para lahat ng nais lumapit at maging katulad ni Jesus ay magkaroon ng pagkakataong iyon.

Nagmamahal,

Katie Edna Steed

Disabilities Specialist, Priesthood and Family Department